Search This Blog

Pinagtatawanan siya dahil sa magsasaka lamang siya, pero meron pala siyang sikreto na talagang hindi alam ng marami

Sa hirap ng buhay, tunay ngang huwarang maituturing ang isang ama na handang gawin ang lahat para sa kanilang mga anak.

Tulad na lamang ng ama ni Nikko na handang gawin ang lahat para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

Handa itong magbanat ng buto sa pagsasaka, at kumayod umaga at gabi, upang mapag-aral lamang si Nikko sa magandang eskwelahan at nang masuportahan ang pangarap nitong pagdodoktor.

Si Nikko naman ay laki ang pasasalamat sa kaniyang ama ginagawa ang lahat para lamang maitaguyod ang kaniyang pag-aaral.

“Tay, salamat po ah? Kasi kahit mahirap ay hindi po kayo napagod at nagsawa na pag-aralin po kaming magkakapatid at ibigay lahat ng mga panga-ngailangan namin.”

Emosyonal na sabi ni Nikko sakaniyang ama, nang sila’y minsang mag-usap.

“Hayaan niyo po tay, kapag nakatapos ako ay hindi niyo na kailangan pang magsaka o magtrabaho.

Ako na po ang bahala sa pag-aaral ng mga kapatid ko.” Dagdag pa ng binata. Masayang ngumiti ang ama nito at marahang ginulo ang buhok ng binata.

“Huwag mong isipin ‘yon anak, ang mahalaga ay makapagtapos kayo ng pag-aaral at magkaroon kayo ng magandang buhay. Tungkulin ko ang ibigay sainyo ang mga pangangailangan ninyo kaya naman pagsumikapan mo lang anak.”

Nang matapos ang usapan nilang mag-ama ay mas gumaan ang pakiramdam ni Nikko at mas pinag-igihan pa ang kaniyang pag-aaral.

Ngunit, hindi talaga madali ang sitwasyon na kaniyang kinakaharap sapagkat hindi maiwasan ang pangmamaliit at pangmamata ng kaniyang mga elitistang kaklase sa trabaho ng kaniyang ama.

Madalas ay kinukutya siya ng mga ito at pinagtatawanan dahil isa lamang siyang anak ng magsasaka. “Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Nikko. Tanggapin mo nalang na hanggang bukid at sakahan lang kayo ng pamilya mo. ‘Dun kayo nababagay, sa lupa at putikan.”

Isa lamang ‘yan sa mga masasakit na pangaalipusta ang natanggap ni Nikko mula sakaniyang mga kamag-aral. Ngunit imbis na mawalan ng pag-asa ay mas lalong sinipagan at ginalingan ni Nikko sa kaniyang pag-aaral, nang sagayon ay maipakita niya na hindi totoo na hanggang “putik” lamang ang kakahinantnan ng paghihirap ng kaniyang ama. Lumipas pa ang mga taon, nakapagtapos na ng kolehiyo si Nikko.

Hindi siya nag-aksaya ng oras at naghanap agad ng trabaho sapagkat malaki-laking pera ang kakailanganin para ipagpatuloy ang kanyang kursong medisina. Ngunit kahit pa nakapag-ipon siya ay umabot parin sa punto na kailangan isakripisyo ng kaniyang ama ang kanilang lupang sakahan at mga baka at kalabaw. Gayunpaman, hindi siya nakarinig ng kahit anong reklamo mula sakaniyang ama.

Bagkus, mas pinapatibay pa nito ang kaniyang loob. “Ilang taon nalang anak, makakapagtapos ka na. Naniniwala akong kaya mo ‘yan. Konting tiis nalang, at makakamit mo na ang tagumpay anak. Ano ba naman ang baka at kalabaw natin kung ang kapalit naman ay ang pagiging doktor mo?”

Dahil sa mga salita ng ama ay mas lalong pinagsumikapan ni Nikko ang kaniyang pagtatapos hindi lang upang makamit ang pangarap kundi para na rin mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang mga magulang at upang matulungan ang mga ito na mapag-aral ang kaniyang mga kapatid. Sa kasalukuyan ay nakapagtapos na ang kaniyang mga kapatid sa kursong Abogado, Inhinyero at Nurse.

Lahat sila ay may trabaho na at magaganda na ang pamumuhay. Sama-sama nilang pinagtutulungang bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga magulang kung saan ay retirado na sa pagtatrabaho. Tunay ngang sa sipag at tiyaga, makakamit din ang rurok ng tagumpay. Hindi man madali, ngunit darating rin ang araw na minimithi.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Pinagtatawanan siya dahil sa magsasaka lamang siya, pero meron pala siyang sikreto na talagang hindi alam ng marami appeared first on The Filipino Today.

No comments: