Nakapulot ng bag na may lamang milyung-milyong pera ang lalaking ito, pero hindi inasahan ng lahat ang ginawa niya pagkatapos nito
Kung sakaling makakapulot ka ng isang bag na may lamang limpak-limpak na salapi, maiisipan mo pa kayang hanapin ang tunay na may ari nito at ibalik sa kaniya ang pera?
Si Timothy, isang construction worker at single dad sa kaniyang anak na may leukemia ay naka tagpo ng isang misteryosong bag mula sa kaniyang pinagtatrabuhan, matapos siyang mag over time at mag hukay pa sa kanilang site.
Hindi maipaliwanag ang takot at kaba na naramdaman ni Timothy noong nakita niya ito at agad niyang naisip ang kaniyang anak.
Mukha kasing halos milyon ang laman ng bag, at walang duda na matutustusan na nito ang gamutan ng kaniyang anak.

Agad-agad niyang inuwi ang bag sa sobrang nerbyos, at hindi muna ipinagsabi sa kahit kanino, kahit sa kaniyang matalik na kaibigan ang natuklasan.
Marami ang tumatakbo sa isip ni Timothy. Paano kung kailangan din ng may ari ang pera, at may parehas na pinagdadaanan katulad niya?
Ibabalik niya ba?
Paano naman ang kaniyang anak?
Ano ba ang tamang gawin?

Akala mo’y nagbibiro ang tadhana noong bigla-bigla ay naka tanggap siya ng tawag mula sa ospital upang sabihin na nasa kritikal na kondisyon ang kaniyang anak.
Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig si Timothy at agad pumunta sa hospital.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang gagawin, ngunit alam niya ring malalagay sa alanganin ang buhay ng anak kapag ginawa niya ang tama.
Kung kaya naman pikit mata niyang tinanong kung magkano ang operasyon para sa bone marrow ng anak, at halos mang lumo na lamang noong marinig na halos papatak ng milyon ang buong gastos para dito.

Habang minamasdan ang anak ay nakagawa na rin ng desisyon ang lalaki.
“Sige doc, para sa ikaliligtas ng aking anak.”
Hindi siya magpapadaig ng konsensya.
Kung kapalit naman noon ay ang kaniyang pinaka mamahal na anak.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Nakapulot ng bag na may lamang milyung-milyong pera ang lalaking ito, pero hindi inasahan ng lahat ang ginawa niya pagkatapos nito appeared first on The Filipino Today.

No comments: