Search This Blog

Mga pasahero sa tren, hindi makapaniwala matapos gawin ng babaeng ito ang bagay na ito sa isang matandang babae

Madalas masaksihan ng mga nagtatrabaho at estudyante mula sa iba’t-ibang unibersidad sa Manila kung gaano kagulo mapa LRT o MRT man. Hindi ka pa man lang nakararating sa dapat mong patunguhan ay tila dumaan kana sa gyera. Gutom, sira ang make-up at meron pang madalas ay masiko, ganyan ang buhay ng mga taong nakadepende sa LRT at MRT para makarating sa kanilang pupuntahan.

Si Yuki ay isang estedyante mula sa UMak, LRT ang palagiang sinasakyan niya para mapasok sa eskwelahan.

Isang araw, natapat na sobrang luwag sa tren na iyon, sapat na upang makaupo siya ng komportable. Nang dumating sa sunod na istasyon ay may matandang babae ang tumabi sa kanya.

Nung una ay okay naman ang matanda ngunit ang sunod nitong ginawa ay ikinagulat ng lahat. Bigla nitong hinila ang buhok ni Yuki dahilan upang mapaluhod ito sa sahig. Sa pagkabigla ay hindi agad nakatayo ang dalaga. Ang mga tao sa tren ay nanatiling nakaupo at nakatitig sa matanda.

Ilang segundo ang makalipas nang makabawi ng lakas ay tumayo si Yuki habang umiiyak at tinignan lamang ang matanda. Hindi niya maialis ang mata sa matanda, tila may kakaiba rito.

“Lumayas ka!” sigaw ng matanda habang kinukutkot ang disenyong nasa kanyang bag.

Nanatiling nkatayo at nakatitig si Yuki a matanda. Isang babae ang lumapit sa matanda upang pakalmahin ito at ang kaibigan naman ng babae ang dumamay kay Yuki. Nang mapakalma na ang matanda ay agad na lumuhod si Yuki sa harap nito at niyakap.

“Lolaaaa.” usal nito habang umiiyak.

“Saan ka ba nanggaling? Antagal ka naming hinanap.” pagppaliwanag nito habang patuloy sa pag-iyak.

Ang kaninang mga gulat na gulat na tao sa loob ng tren ay umiiyak na rin ngayon, kasama ang dalawang babae na dumamay sa maglola. Sa kabutihang palad ay hindi na nananakit ang matanda at naging maayos ang paglabas nila.

Dahil sa insidente ay hindi nanakapsok sa paaralan si Yuki at umuwi na lang muna kasama ang kanyang lolang matagal na nilang hinahanap. Pagkarating sa kanilang tahanan ay nagulat ang kanilang pamilya kung sino ang kasama niya, ang iba ay agad na lumapit at niyakap kung sino ang nasa likod niya.

Kalaunan ay napag alaman na ang matanda ay makakalimutin at may problema na sa pag-isip bago ito mawala sa kanilang paningin noon.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Mga pasahero sa tren, hindi makapaniwala matapos gawin ng babaeng ito ang bagay na ito sa isang matandang babae appeared first on The Filipino Today.

No comments: