Matagal na itinago ng binatang ito ang pagkatao niya sa kaniyang pamilya, di siya makapaniwala sa ginawa sa kanya noong ibinunyag niya ang totoo niyang pagkatao
Halos tatlong taon na ring hindi umuuwi ng bahay si Ricardo matappos niyang maisipang bumukod upang maging mas malapit sa trabaho.
At mula naman noon ay natakot na rin siyang bumalik, dahil sa apartment niya nalasap ang kaniyang kalayaan na matagal na niyang inaasam mula pa lamang noong bata pa siya.
Matagal nang inamin ni Ricardo sa kaniyang sarili na isa siyang bakla, ngunit hanggang ngayon ay wala sa kaniyang pamilya ang nakaka alam nito dahil alam niyang tanging galit at bugbog lamang ang makukuha niya sa kaniyang ama, habang pangungutya naman sa kaniyang ina.

Ang tanging kakampi na lamang niya ay ang kaniyag nakababatang babaeng kapatid na si Carmina, ngunit alam nilang dalawa na hindi sapat na protekahan nila ang isa’t isa.
Dahil ilang taon na lamang ay paniguradong pipilitin na ng kaniyang mga magulang si Ricardo na magpakasal upang maituloy ang kanilang lahi at masiguradong may tagapagmana ng kanilang mga yaman.
Ngunit sigurado sa sarili si Ricardo na kailanma’y hindi niya kakayaning magpakasal at makipag siping sa bahay.

Matagal na niyang binabalak umamin ngunit hindi niya inaaasahan na darating sa puntong kinakailangan na talaga niyang harapin ang kaniyang kinatatakutan.
Mautal-utal man ay inamin pa rin ni Ricardo ang kaniyang buong pagkatao sa kaniyang ama, na agad nagpakita ng galit dahil hindi niya matanggap ang “sinapit” ng anak.
Agad naman niya itong inambahang saktan ngunit mas pinili na lamang ni Ricardo na umalis.

Para sa kaniya ay iyon na ang hudyat na matagal niyang inaantay upang tuluyang makapag umpisa sa buhay.
Ang mahalaga ay malaya na siya.
At kung hindi na siya magagawang mahalin ng kaniyang ama ay kuntento na siyang alam niyang mahal niya ang sarili niya.
Gay Pride Parade, Tel Aviv 2019
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Matagal na itinago ng binatang ito ang pagkatao niya sa kaniyang pamilya, di siya makapaniwala sa ginawa sa kanya noong ibinunyag niya ang totoo niyang pagkatao appeared first on The Filipino Today.

No comments: