Search This Blog

Isang kawawang delivery man, tinanggal sa kaniyang trabaho dahil luma na ang kaniyang sasakyan

Matagal nang nagtatrabaho bilang delivery man si Frodo at ito na rin ang naging daan upang masuportahan niya ang kaniyang pamilya at matustusan ang pag aaral ng kaniyang dalawang anak.

Sa loob ng halos dalawapung taon ay ito na ang kinagisnang trabaho ng ginoo, at ito na rin ang trabaho na nais niyang gawin hanggang siya ay mag retiro.

May kakaiba rin talaga siyang pagmamahal sa kaniyang ginagawa, dahil bukod sa natutuwa siya sa pagda drive ay napapagaan din ang kaniyang loob sa tuwing pinapasalamatan at nginingitian siya ng kaniyang mga costumer.

Kung kaya naman hindi nakapagtatakang napamahal na siya sa kanyang trabaho.

Ngunit isang malaking pagbabago ang darating sa buhay ni Frodo, matapos mamatay ang may ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya at manahin ng kaniyang batang anak ang negosyo.

At dahil nga bata pa ito ay magkaibang-magkaiba ang nais na gawing pamamalakad ng binata sa kaniyang kompanya, at kasama na roon ang pagsisibak sa mga delivery men na hindi kayang magkaroon ng bagong sasakyan na papasa sa kaniyang pang lasa.

At dahil nga matagal na sa kaniyang propesyon ang ginoo ay isa siya sa mga apektado ng bagong panuntunan ng kaniyang batang boss.

Labag man sa kaniyang kalooban ay wala na siyang nagawa dahil kailangan niyang sundin ito.

Ngunit matapos itong malaman ng kaniyang mga katrabaho, at kahit ng mga costumers na napamahal kay Frodo ay ipinahayag nila ang kanilang pagtutol sa nais ng batang CEO, at matapos ang halos ilang linggo na pakikibaka para sa karapatan ng ginoo na makapag trabaho pa rin ay nanalo na rin sila.

Iba ang pasasalamat ng ginoo sa kaniyang mga katrabaho at mga costumer na matagal niyang pinakisamahan at pinakitaan ng maganda.

Tunay ngang aanihin mo ang bunga ng iyong magandang tanim balang araw.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang kawawang delivery man, tinanggal sa kaniyang trabaho dahil luma na ang kaniyang sasakyan appeared first on The Filipino Today.

No comments: