Search This Blog

Isang bumbero, pinabayaan na masunog ang bahay ng isang lola matapos malaman kung ano ang nasa loob nito

Halos dalawampung taon nang nagtatrabaho bilang bumbero si Eugene, at nasaksihan na niya ang iba’t ibang klaseng malalalang sunog na kumitil ng napaka raming buhay at tumupok sa milyung-milyong halaga ng gamit.

Para kay Eugene, delikado man ang kaniyang trabaho ay mas pipiliin niya pa rin ito kaysa umupo ng walong oras sa opisina para sa isang corporate work.

Isa pa ay bata pa lamang siya ay matagal na niya itong pangarap, kung kaya namna kahit kailan ay hindi niya ipagpapalit ang kaniyang trabah sa kahit anong klaseng propesyon sa mundo.

Ngunit isang aksidente ang naging dahilan upang kwestyunin ni Eugene ang kaniyang pinaka mamahal na trabaho.

Isang gabi, naalarma ang kanilang department matapos nilang malaman na isang malaking sunog ang nangyayari sa magarang bahay ni Mrs. Zamora, ang retiradong principal ng isa sa pinaka malaking paaralan ng kanilang bayan.

Agad na rumesponde ang mga bumbero at kasama na roon si Eugene.

Ngunit pagdating sa kanilang bahay ay isang malaking problema ang bumulaga sa kanilang team.

Dahil si Mrs. Zamora ay nasa loob pa ng bahay!

Dali-dai namang pumasok sa loob si Eugene, at agad niyang namataan ang matanda na hirap na hirap sa kaniyang pag hinga.

Matapos noon ay agad niyang pinangakuan ang matanda na sasagipin niya ang bahay, ngunit nagulat na lamang siya sa ibinulong nito.

“Huwag na, hayaan mo na itong matupok, dahil sinadya kong sunugin ang bahay kasama ang labi ng aking asawa.”

Panandaliang hindi makakilos si Eugene sa narinig ngunit nanumbalik ang kaniyang ulirat nang maalalang nasa kalagitnaan pa rin sila ng kapahamakan.

Nagawa niyang ilabas ang matanda sa bahay, ngunit ang kaniyang mga narinig mula sa mga bibig nito ay isang bagay na habang buhay na mananatili sa kaniyang alaala.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang bumbero, pinabayaan na masunog ang bahay ng isang lola matapos malaman kung ano ang nasa loob nito appeared first on The Filipino Today.

No comments: