Hindi inaasahan ng pulubing ito na magbabago ang buhay niya matapos siyang ilibre ng gupit ng isang barbero
Ilang taon na ring palaboy-laboy si Roberto sa lansangan at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabangon.
Bukod kasi sa wala siyang pera ay wala ring may magawang mag tiwala sa kaniya dahil isa siyang pulubi at hindi na rin kaaya-aya ang itsura.
At dahil doon ay mas lalo lamang lumala ang kaniyang sitwasyon. Mas madalas na siyang nakakatanggap ng pang aapi mula sa mga tao sa eskinita dahil ubod na rin siya ng gusgusin.

Hanggang sa nakilala niya si EJ, isang barbero na babago ng kaniyang buhay.
Naging magkaibigan sila ni EJ dahil napansin ng binata na madalas itong manuod ng mga nag che chess na barbero tuwing kanilang break time.
Dahil dito ay naging interesado naman ang binata sa pulubi at niyaya niya ito na makipag laro sa kaniya.

At sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkataon pa palang napaka galing sa chess ni Roberto!
Hindi tulad ng ibang tao ay hindi kailanman hinusgahan ni EJ ang kaniyang estado sa buhay.
Bagkus ay madalas pa nga siyang nakikinig sa mga hinaing nito, kung kaya naman naisipan ng binata na bigyan siya ng libreng gupit upang umayos ang kaniyang itsura.

Nagbigay rin ang binata ng iilang mga damit upang siya ay makaligo at makapag palit, at agad na ginamit ni Roberto ang pagkakataong ito upang makapag hanap siya ng trabaho.
At hindi niya lubos maisip na dahil lamang sa kaniyang maayos na gupit at postura ay agad siyang tinanggap bilang isang gasoline boy hindi kalayuan mula sa pinagggta trabahuan ni EJ!
Labis naman ang pagpapasalamat ng pulubi sa binata dahil alam niyang ang simpleng bagay na iyon ang magiging mitsa ng kaniyang bagong simula.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Hindi inaasahan ng pulubing ito na magbabago ang buhay niya matapos siyang ilibre ng gupit ng isang barbero appeared first on The Filipino Today.

No comments: