Search This Blog

Akala ng lalaking ito ay susunduin lamang nila ang isang kaibigan sa airport, eto pala ang masasaksihan niya

Saglit na tiningnan ni Astraea ang laman ng kaniyang maleta bago niya ito isinara. Isang three day convention ang pupuntahan ng dalaga kaya naman kinailangan niya mag empake ng mga gamit na sasapat sa tatlong araw. Inimbitahan bilang isang guest speaker si Astraea sa National Down Syndrome Convention na gaganapin ngayong taon. Bilang isang tao na may down syndrome, madalas siyang imbitahan bilang isang panauhing pandangal upang pag-usapan ang ‘stigma’ sa mga taong may kapansanan.

Kaisa si Astraea sa adbokasiya na ang layunin ay maunawaan ang mga kakayahan ng mga taong may kondisyon na ng kaniya. Sa libo-libong dadalo sa nasabing Convention ay isa rin si Jankey sa mga naimbitahan. Aktibo ang binata sa nasabing mga pagtitipon dahil sa layunin nilang maipaglaban ang karapatan at tamang pagtrato sa kanilang mga katulad ng kalagayan. Dito nagtagpo ang landas nina Astraea at Jankey.

Ipinakilala sila ng coordinator ng Convention na kanilang dinaluhan at doon ay nakabuo sila ng pagkakaibigan. Sa bawat araw na lumilipas na magkasama sila Jankey at Astraea ay tila naging mas malapit sila sa isa’t-isa. Silang dalawa ay naging magkaibigan at magkasangga sapagkat naiintindihan ang naiisip at saloobin ng isa’t-isa. Sa loob ng tatlong araw ay nakabuo ng masasayang ala-ala ang dalawa kaya naman nang dumating na ang araw na kailangan na nilang maghiwalay ng landas ay tila hindi nila kayang magpaalam sa isa’t-isa.

Gayunpaman, hindi naging hadlang ang kanilang layo sa isa’t-isa para matigil ang kanilang komunikasyon. Araw at gabi silang naguusap sa tawag man o sa text upang mapunan lamang ang bawat agwat ng kanilang pagitan. Ngunit, nang maglaon ay tila hindi na nagiging sapat ito para kay Astraea. Minsan ay nagiging emosyonal na ang dalaga dahil sa kagustuhan na makita, mahawakan ang kamay o mayakap ang binatang malapit sa kaniyang puso. Kahit ang mga magulang ni Astraea ay napapansin na ang kalungkutan ng dalaga.

Madalas itong mag-isa at minsan ay madali itong mairita sa mga nakapaligid sakaniya. “Anak, tapatin mo nga ako, ano ba ang problema?” Nag-aalalang tanong ng nanay ni Astraea sa dalaga. “Masama loob ko ma. Parang hindi naman ako importante para kay Jankey. Palagi nalang ganito ma.” Walang ganang sagot ni Astraea. Dahil sa sinabi ng dalaga ay naisipan ng nanay ni Astraea na itext ang nanay ni Jankey upang kumpirmahin kung ano nga ba talaga ang lagay ng binata sa kaniyang anak. At sa kaniyang pagkabigla ay nalaman niyang parehas lamang palang nangungulila ang dalawa sa piling ng isa’t-isa.

Agad na pinlano ni Jankey ang pagkikita nilang dalawa habang si Astraea nama’y walang kaalam-alam. Buong araw siyang hindi kinausap ni Jankey, na abala sa paghahanda, kaya ganoon na lamang ang kaniyang pagka lungkot. Sumapit ang hapon ay pinuntahan si Astraea ng kaniyang Ina sa loob ng kwarto at sinabing kailangan nitong magbihis sapagkat sila ay may susunduing kaibigan sa airport. Nagtaka si Astraea ngunit hindi na lamang siya nag abalang magtanong at dali-daling nag bihis.

“Sino ba ang susunduin natin, Ma?” tanong ni Astraea. Hindi naman sumagot ang kaniyang Ina kaya hindi na rin niya ito kinulit. Lumipas ang ilang minuto at naiinip na si Astraea sa paghihintay. Napukaw ang kaniyang atensyon nang may makita siyang pigura na papalapit. Tila pamilyar ito sa kaniya. Napahinto si Astraea nang makilala nito ang taong papalapit sa kaniya.

Bakas ang saya sa mukha ni Astraea ganun din ang taong papalapit sa kaniya. “Jankey!” Sigaw ni Astraea at saka tumakbo papalapit kay Jankey. Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng binata at tila ba ayaw na itong pakawalan pa. “Akala ko kinalimutan mo na ako Jankey. Hindi mo ako kinausap ngayong araw.” Naiiyak na sabi ni Astraea. “Nandito na ako kaya hindi na tayo mag uusap sa cellphone, Astraea. Miss na miss kita Astraea.” Masayang sabi ng binata. “Miss na miss din kita, Jankey.”

Tugon ng dalaga at muling niyakap si Jankey. Masaya namang nakatingin sa dalawa ang mga magulang nina Astraea at Jankey. Masayang lumapit ang dalawa sa kanilang mga magulang at nagpasalamat dahil sa munting regalo nito para sa kanila. Totoo ngang walang pinipiling tao ang pagmamahal. Hindi nasusukat sa itsura, sa takbo ng pag iisip, at sa estado ng pamumuhay ang tunay na pag mamahal. Hindi lang basta ito naramdaman ni Astraea at Jankey bagkus sila mismo ang pagmamahal.

The post Akala ng lalaking ito ay susunduin lamang nila ang isang kaibigan sa airport, eto pala ang masasaksihan niya appeared first on The Filipino Today.

No comments: