Mga Scientists, Nadiskubre Na Nga Ba Ang Tunay Na Impyerno? Alamin Dito Ang Buong Storya
Sa paglipas ng panahon, napakaraming bagay na ang natuklasan sa pamamagitan ng siyensa. Mayroong nakatapak na sa buwan o sa kasalukuyan naman ay ang pagbabalak ng mga tao na bumuo ng bagong mundo sa karatig na mga planeta.
Ngunit, sa dinami-rami ng mga bagong kaalaman sa kalawakan, ay siyang kawalan naman ng impormasyon sa kailaliman ng daigdig. Sa bansang Russia, may sinimulang eksperimento at proyekto ang iba’t-ibang mga inhinyero at scientist kung saan ay nagbabalak silang galugarin kung ano nga ba ang meron sa kailaliman ng lupa.

Naghukay sila nang naghukay hanggang sa umabot na ang lalim nito na mas higit pa sa Mariana Trench o ang pinakamalalim na parte ng karagatan ng mundo. Tinatayang 38 na beses din itong mas malalim kaysa sa pinakamataas na building na naitayo sa buong mundo.
Nang makaabot na sa ganoong punto ng paghuhukay ay napansin ng mga scientist ang kakaibang init na nilalabas ng kanilang hukay. Nakarinig din sila ng kakaibang tunog galing sa ilalim nito na wari’y sumisigaw at humihingi ng tulong.

Nagbigay ito ng kilabot sa lahat ng mga nakarinig nang mga sandaling iyon dahil sa paniniwalang ang init ay nagmumula sa kumululong asupre ng impyerno at ang kakaibang tunog ay galing sa mga panaghoy ng mga taong narito.
Dahil sa mga salin-dilang balita, itinigil pansamantala ang proyekto ngunit muling binuksan itong muli dahil sa kawalan ng basehan ng mga kwento patungkol dito. Subalit, noong 1992 ay itinigil na nang tuluyan ang proyektong ito sapagkat maraming mga hindi maipaliwanag ang nangyayari sa proseso ng paghuhukay. Pinapaniwalaan na lubhang mapanganib ang paghuhukay dito dahil sa init at sa lalim ng lupang kailangan pang hukayin. Gayunpaman, malaking epekto sa aspeto ng siyensya ang paghuhukay na naganap.

Nagkaroon ng mas malalim pang kaalaman tungkol sa mga bato at mineral at mas napagtuunan ng pansin ang mga yamang nagtatago sa lupain ng mundo. Tunay ngang misteryoso at wala pa sa kalahati ang nagagalugad ng mga tao sa misteryong bumabalot dito.

Ngunit kahit pa ganon ay kailangan paring limitahan ang sarili sa pagtatanong o paghahanap ng kasagutan sa mga katanungang bumabalot sa isipan. Maging mapagmatyag, maingat at maalam.
The post Mga Scientists, Nadiskubre Na Nga Ba Ang Tunay Na Impyerno? Alamin Dito Ang Buong Storya appeared first on The Filipino Today.

No comments: