Search This Blog

Isang Lalaki, Ang Talagang Namang Naalala Lang Ng Kanyang Pamilya Tuwing Siya Ay Mayroong Pera!

Lumaki sa lola si John, habag ang mga magulang niya ay nagkaroon ng kanilang sari-sariling buhay matapos magkahiwalay.

Maaga kasing bumuo ng pamilya ang magkasintahan, at si John ang naging bunga nito. At dahil hindi naman parehas handa ang dalawa ay nauwi lamang sa araw-araw na pag aaway ang dalawa, hanggang naisipan na nilang tapusin ang kanilang relasyon at ilagay ang bata sa puder ng lola nito, na magiging kaisa-isa niyang pamilya hanggang tumanda.

Pinag aral siya nito gamit ang kaniyag naipong pera, at kahit palihim na umaasa ang binata na isaang araw ay magkaroon din ng kumpletong pamilya ay matagal na niyang tinanggap na hindi ito mangyayari.

Kung kaya naman noong magtapos siya ng kolehiyo ay agad siyang nangibang bansa, at doon umunlad ang kaniyang kabuhayan.

Natustusan din niya ang napaka mahal na gamutan ng kaniyang pinaka mamahal na lola ngunit sa kasamaang palad ay hindi na rin nito nakayanan ang kaniyang laban sa katandaan at sakit.

Luhaang umuwi si John ng bansa para sa lamay ng kaniyang lola, at doon ay muli niyang nakita ang kaniyang mga magulang na hindi makapaniwala sa narating niya.

At dahil nga lubos ang kalungkutan ng binata ay inakala niyang magkakaroon siya ng panibagong tahanan sa kaniyang ama at ina ngunit katagalan ay napapansin niya na napapansin lamang siya ng mga ito sa tuwing hihingi sila ng pera, at hindi na ulit siya papansinin.

Kung kaya naman sa sobrang sama ng loob ay bago bumalik ng ibang bansa ay ibinenta ni John ang lahat ng ari-arian nilang mag lola, at blinock din ang lahat ng kaniyang mga kamag anak upang hindi na siya makausap at mahingian ng mga ito.

Mag sisimula siya ng bagong buhay sa ibang bansa, dahil para sa kaniya, ag kaniyang lola lamang ang naging tunay na pamilya at tahahan simula noong nagkamalay siya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!”

The post Isang Lalaki, Ang Talagang Namang Naalala Lang Ng Kanyang Pamilya Tuwing Siya Ay Mayroong Pera! appeared first on The Filipino Today.

No comments: