Search This Blog

Isang Ina Na Pinagpalit Ang Kaniyang Pamilya Para Sa Isang Matandang Lalaki, Pero Hindi Alam Ng Ina Na Ganito Ang Gagawin Sa Kanya!

Mahirap ang hinaharap na problema ni Agatha.

Limang taon matapos siyang iwanan ng kaniyang asawa ay si Agatha na mismo ang nag taguyod sa kaniyang apat na anak.

Wala siyang maasahan dahil matagal na siyang tinakwil ng kaniyang mga magulang dahil sa pagsama niya sa dati niyang asawa.

Kung kaya naman naging paraan na lamang niya ang pagpasok sa club at pagiging dancer doon.

At doon niya nakilala si Martin, isang Amerikano na agad nabighani sa ganda ng ginang.

Naging mabuting magkaibigan ang dalawa, hanggang sa hindi na nagdalawang isip ang binata upang gawing kasintahan si Agatha at iahon ito mula sa trabaho niya.

Alam din niyang may anak si Agatha, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya ganoon katanggap ang apat.

Kung kaya naman nangako ang lalaki na hindi niya pababayaan sa sustento ang mga supling ng minamahal, basta sasama ang ginang sa kaniya sa America.

Hindi alam ni Agatha ang gagawin, ngunit pinili pa rin niyang pumayag sa kondisyon ng nobyo upang masigurado ang magandang kinabukasan ng kaniyang mga anak.

Ngunit hindi niya alam na ito rin pala ang magiging dahilan upang talikuran siya ng kaniyang mga pinaka mamahal na supling.

Para sa kanila, inabanduna sila ng ina kapalit ng pera at mga gintong alahas.

Naiintindihan man nila na may magandang buhay na kapalit ang ginawa ni Agatha ngunit nanaig ang galit nila sa ina.

Pang sariling interes ang kaniyang pagsama sa America, ani nila, upang sa wakas ay makawala na siya mula sa pag aalaga sa kanilang apat.

Hindi man nila maiwasan ang sustentong ibinibigay ni Martin ay sinigurado ng apat na hindi na nila hahayaang maging malapit pa ulit ang ina para sa kanila.

Ang babaeng ipinagpalit sila kapalit ng pera.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang Ina Na Pinagpalit Ang Kaniyang Pamilya Para Sa Isang Matandang Lalaki, Pero Hindi Alam Ng Ina Na Ganito Ang Gagawin Sa Kanya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: