Search This Blog

Isang Babae, Hinamak-hamak Ng Kaniyang Tiyahin Dahil Wala Siyang Pinag Aralan, Hindi Inasahan Ang Naging Ganti Ng Kanyang Pamangkin!

Natural na matiisin ang ugali ni Priya kahit na lagi siyang inaalipusta ng kaniyang tiyahin.

Bata pa lamang siya ay ang tiya Alicia na niya ang nagpalaki sa kaniya, dahil parehas na nasawi sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang.

At mula noon ay ginawa niya siyang alipin nito, ngunit kahit ganoon pa man ay lubos pa rin ang pagmamahal niya sa kaniyang tiya na tinuring na rin niyang ina.

Pinag aral din siya nito hanggang high school, ngunit hindi niya ito natapos dahil minsan na niyang sinubukang makipag tanan sa isang lalaking nakilala niya habang siya ay nag aaal.

Labis naman ang galit ng kaniyang tiya nang malaman niya ito, kaya naman hindi na siya pinag aral nitong muli at palagi pang pinapa mukha na hanggang high school na lamang siya dahil sa mga maling desisyon niya sa buhay.

Palagi niyang naiisipang maglayas dahil sa hindi magandang pagtrato sa kaniya ng ginang, ngunit pinipili niya pa ring manatili lalo noong magkaroon ito ng malubhang sakit.

Mula noon ay naging tutok sa pag aalaga si Priya sa kaniyang tiyahin, at pinag pupuyatan niya pa ito upang masigurado na hindi ito makakalimot uminom ng gamot.

Sinasamahan niya ang kaniyang tiya sa lahat ng check up nito, at naging tagapag alaga niya dahil sila na lang ang magkasangga sa buhay.

Isnag araw, ginising siya ng kaniyang tiya na umiiyak, at nataranta naman si Priya.

Ngunit hindi niya inaasahaan na humingi ng tawad ang ginang sa lahat ng kasamaang ipinakita niya sa dalaga noong bata pa ito, at pinasalamatan siya sa kaniyang pagtatyaga lalo ngayong may sakit din siya.

Ang mga susunod na katagang binitawan ng kaniyang tiya ang lubos na nakapag pa iyak sa dalaga.

“Mahal kita, Priya, anak.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang Babae, Hinamak-hamak Ng Kaniyang Tiyahin Dahil Wala Siyang Pinag Aralan, Hindi Inasahan Ang Naging Ganti Ng Kanyang Pamangkin! appeared first on The Filipino Today.

No comments: