Estudyanteng Laging Pinapagalitan Ng Guro Dahil Palaging Late Sa Klase, May Itinatago Palang Sikreto!
Nasa elementary pa lamang si Amanda ngunit panay na ang kaniyang pagliban sa klase.
At sa tuwing pumapasok naman ito ay madalas nahuhuli ang bata, o di naman kaya’y hindi matatapos ang ar
aw na hindi siya mahuhuli ng kaniyang striktang guro na si Ms. Emma na natutulog sa kaniyang klase.
Kung kaya naman simula pa lamang ay wala nang amor a ng guro sa bata, na minsan ay hindi niya kinakitaan ng tila pagsisikap na maitaguyod ang kaniyang pag aaral.
Sa tuwing kinakausap din siya ng ginang ay hindi naman sumasagot ang bata, dahilan upang mapikon lamang ang guro sa kaniya.

Kung kaya naman napag pasiyahan na ng ginang na gumawa ng panibagong aksyon bago magbigayan ng huling marka.
Nais niyang makausap ang mga magulang ng bata, upang malaman kung mayroon bang kinalaman ang mga ito sa inaasal ng bata sa eskwela.
Isang araw ay dahan-dahan niyang sinundan ang kaniyang mag-aaral pauwi, upang sa wakas ay makausap na niya ang mga magulang nito.
Dumiretso si Amanda sa isang lumang bahay na tila halos abandonado na, at agad nitong sinarado ang gate.

Nag-antay muna siya ng ilang sandali bago siya kumatok, at agad naman itong binuksan ni Amanda, na lubos ang galit matapos makita ang guro niya!
Maya-maya pa ay mabilis na nagsisunuran ang tatlong bata na nag uusisang tumingin sa guro.
“Kapatid mo?” tanong ng guro, at agad naman sumagot ng oo ang bata.
Nang tanungin ni Ms. Emma kung nasaan ang magulang nila ay agad na nadurog ang puso niya sa sagot nito.

“Ulila na po kami. Ako po ang nag-aalaga sa kanila. Bakit po kayo napadalaw?”
Hindi na nakasagot ang guro at napaluha na lamang ito. Pinapasok naman siya ni Amanda sa kanilang bahay at doon niya nakita ang kawawang sitwasyon nilang magkakapatid.
Simula noon ay nangako ang guro na magiging maintindihin sa kaniyang estudyante at tutulungan rin niya ang mga ito sa pagbabantay sa kaniyang mga nakababatang kapatid.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Estudyanteng Laging Pinapagalitan Ng Guro Dahil Palaging Late Sa Klase, May Itinatago Palang Sikreto! appeared first on The Filipino Today.

No comments: