Handa na siyang magbagong buhay at ipakilala sa pamilya ng kaniyang nobyo, ngunit nabunyag ang kaniyang sikreto!
Matagal na ring umiiwas sa pag ibig si Angela, sa pag aakalang wala ng lalaki na magmamahal pa sa kaniya dahil iyon ang una niyang nasaksihan sa kaniyang ama na iniwan sila ng kaniyang ina para sa ibang lalaki.
Kung kaya naman para sa dalaga, walang relasyong magtatagal kung patuloy lamang itong sisirain ng taong pinagkakatiwalaan mo.
Bukod pa roon ay mulat na rin siya sa kakaibang industriya na pinag tatrabahuan ng kaniyang ina, na isang mananayaw sa isang bar.

At dahil wala rin naman siyang ibang alam gawin ay ito na rin ang kaniyang naging trabaho kalaunan, at doon niya nakilala si Topher.
Si Topher ay isang magalang at masipag na lalaki, na nagkataong hinila ng mga katrabaho niya sa bar noong gabing iyon dahil kaarawan niya at kailangan umano niyang “mag saya”.
Ngunit dahil nga sa hindi sanay sa mga ganoong lugar ay nag mukmok na lamang sa isang gilid ang lalaki, hanggang sa nilapitann siya ni Angela upang alukin ng tubig, at doon na sila nagkakilala.

Ilang buwan pa ang lumipas ay tuluyan nang naging magkasintahan ang dalawa, at di nagtagal ay umalis na rin sa trabaho ang dalaga upang makapag simula.
Mahigit isang taon na rin ang kanilang relasyon at palagay ni Angela ay handa na siyang makilala ang mga magulang ng nobyo.
Kung kaya naman dumalaw na sila sa bahay sa wakas, ngunit hindi inaasahan na kilala pala ng nanay ng binata si Angela, at alam niya ang dating trabaho nito!

Paano?
Ayun pala, ay dating katrabaho ng kaniyang ina ang ina ni Topher at kilalang-kilala niya ang maaamong mukha ni Angela.
Labis naman na nagulat ang dalaga, ngunit tila nabunutan ito ng tinik ng malaman niya na tanggap siya ng buong pamilya ng nobyo kahit mayroon siyang kakaibang nakaraan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Handa na siyang magbagong buhay at ipakilala sa pamilya ng kaniyang nobyo, ngunit nabunyag ang kaniyang sikreto! appeared first on The Filipino Today.

No comments: