Lalaking umibig ng isang single mom, hindi niya inasahan na ganito ang masasabi sa kanya ng kanyang ina
Totoong mapagbiro ang tadhana, kaya mas maganda na hanggat maari ay palagi kang handa.
Si Jerome na lumaki na walang tatay ay hindi inaasahang nahulog sa isang single mom, na may dating asawang nilalapastangan ang pagkababae niya at ang anak nila.
Ngunit bago pa lamang sila ng kaniyang kasintahang si Michelle ay tila hindi pa niya matanggap na may anak na ito sa ibang lalaki.

At kung tingin ng iba na hinuhusgahan niya ang kasintahan dahil sa pagiging single parent nito ay igigiit ni Jerome na nagkakamali sila.
Kung tutuusin, walang kaso sa kaniya kahit pa isang daan ang naging anak ni Michelle mula sa kaniyang nakaraan, ang hindi lamang siya handa ay maging tatay para sa anak nitong si Laida.
Napag usapan naman na nilang dalawa na hindi kailangang magpakatatay ni Jerome sa bata, dahil una sa lahat ay hindi naman niya responsibilidad ito.
Mother and little girl having fun in piggyback ride outdoors.
Ngunit hindi maalis sa isip niya ang palaging pananabik ni Laida sa tuwing dumadalaw ang lalaki sa kanilang bahay, at inaasahang lalaruin at bubuhatin siya nito kagaya ng ginagawa ng isang tatay.
Kung kaya naman napag desisyunan na niyang lumapit sa kaniyang ina at ipagtapat ang kaniyang kalagayan.
Tanong niya sa ina, paano ko gagampanan ang pagiging ang pagiging pangalawang tatay ni Laida, kung ako mismo ay walang kinalakihang ama?

Ngunit hiindi niya mapigilang hindi mapalauha sa isinagot sa kaniya ng kaniyang ina.
“Kung hindi mo man kayang patawarin ang iyong tatay dahil sa kaniyang pagkawala noong bata ka pa, ay hindi na nangangahulugang wala kang karapatang maging isang ama sa isang bata, sa iyo man o hindi.”
Dagdag pa nito, naniniwala siyang kaya ni Jerome na maging mabuting ama at kaibigan kay Laida dahil wala man itong kinagisnang tatay ay alam niyang pinalaki siya nang maayos at puno ng pagmamahal ng kaniyang nanay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Lalaking umibig ng isang single mom, hindi niya inasahan na ganito ang masasabi sa kanya ng kanyang ina appeared first on The Filipino Today.

No comments: