Lalaking bumalik upang ipaghiganti ang mga magulang sa tiyuhin niyang sakim, hindi inasahan na mangyayari ang mga sumunod na nangyari
Simula nang mamatay ang mga magulang ni Renato, nangako siya sa mga ito na gagawin niya ang lahat upang makapagtapos ng pag aaral.
Bukod kasi sa maging matagumpay ay may kailangan siyang gawin na mula pagkabata pa lamang niya ay isinumpa na niyang matutupad.
Iyon ang ang mag higanti sa kaniyang tiyuhing si Jun, na pumatay sa mga magulang niya.
At hindi lang ito basta-bastang akusasyon, dahil nandun mismo si Renato noong mangyari ang krimen.
Ngunit imbis na makulong ay nakapag tatakang malaya pa rin ang kaniyang tiyuhin, at ipinagkatiwala pa siya ng mga otoridad sa mga ito!
Hindi niya maintindihan, kung kaya naman isang gabi ay naglayas siya sa bahay ng kaniyang tito Jun at napag desisyunan na lamang na manirahan sa isang bahay ampunan.
Doon ay mas malayaw niyang nagagawa ang kaniyang gusto, nakakapag laro sa mga taong kagaya niyang ulila na rin, at unti-unting natuto na maging masayang muli.
Ngunit kahit ganoon ay hind niya pa rin nalilimutan ang kaniyang hinanakit sa kaniyang tiyo.
Nang makapagtapos siya ng high school ay oras na para kay Renato na umalis ng bahay ampunan.
Kung kaya naman hinanda na niya ang kaniyang sarili sa bagay na matagal na niyang inaantay, ang paghigantihan ang kaniyang tiyuhin.
Ngunit noong bumalik siya sa bahay ni Jun ay nakapag tatakang walang tao ang madalas na maingay at maliwanag na bahay nito.
Sinubukan niyang kumatok at magtanong, at nagulat na lamang siya noong ibinunyag ng kanilang kapitbahay na matagal na palang wala si Jun sa bahay na iyon.
Bukod doon ay namaalam na ito isang taon na ang nakakaraan.
Ngunit may iniabot ang kanilang kapitbahay kay Renato, isang liham ng paghihingi ng tawad, at pagpapaliwanag na hindi niya minsang sinaktan ang mga magulang nito, ngunit aaminin niyang magkakasama silang tatlo sa isang organisasyon na may ilegal na kalakaran.
At ang inaakalang pag tataksil ni Jun sa mga magulang ni Renato noong gabing naghihingalo na sila sa daan ay mismong mga bilin ng kaniyang nanay at tatay.
Na isalba, alagaan, at huwag pabayaan ang pinakamamahal nilang anak.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Lalaking bumalik upang ipaghiganti ang mga magulang sa tiyuhin niyang sakim, hindi inasahan na mangyayari ang mga sumunod na nangyari appeared first on The Filipino Today.
No comments: