Search This Blog

Lalaking Binusted Ng Kaniyang Crush Dahil Siya Ay Kargador Lamang, Nagbalik Matapos Ang Ilang Taon Upang Maghiganti!

Matagal nang hinahangaan ni Kokoy si Kate.

Mula pa lamang pag kabata ay ipinangako na nito sa kaniyang sarili na liligawan niya ito pag laki, ngunit sa kasamaang palad ay hindi pala ganoon kadaling makuha ang loob ng dalaga.

Bukod kasi sa naging magkalayo sila ay naulila nang lubos ni Kokoy, dahilan upang magtrabaho siya nang maaga.

At sa kabila ng panunuyo niya kay Kate ay pinaasa lamang siya nito, at ipinahiya pa noong tinanggihan siya nito, dahil ginawa niya pa ito sa harap mismo ng kaniyang mga mayayamang kaklase!

Kung kaya naman nag sikap nang husto si Kokoy upang makaganti kay sa dalaga.

Bukod sa pagtatrabaho at pag iipon ay naging libangan niya ang isports, na magiging passion niya kalaunan.

Pinasok niya ang mundo ng basketball at unti-unti, naging parte ng isang opisyal na basketball team ng baranggay nila ang binata.

Mula noon ay napapansin na siya ng ibang mga manlalaro, at sumasali na rin ito sa iba’t ibang paligsahan.

Hindi nagtagal ay naging matagumpay na manlalaro si Kokoy, at kakaunting sikap na lamang ay makakapasok na siya sa PBA.

Hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ni Kokoy ang kaniyang galit sa dalaga, at noong natanggap na siya sa pamosong komunidad ng basketball ay agad niyang hinanap si Kate upang ipamukha na naging matagumpay na siya sa kaniyang buhay.

Ngunit lubos na nanlumo siya sa kaniyang nalaman.

Si Kate, na nabuhay nang walang kamalay malay sa poot ni Kokoy ay namuhay nang masaya at di kalaunan ay ikinasal na sa taong mahal niya.

Tila naging sampal ito kay Kokoy na iginugol ang kaniyang buhay na puno ng sama ng loob sa dalaga, at hindi na niya napapansin ang lahat ng mga biyayang natatanggap niya.

Kung kaya naman kahit mapait ay tinanggap na ni Kokoy na kahit magtagumpay siya ay hindi na niya magagantihan ang dalaga.

Bagkus ay natuto na lamang siyang maging masaya sa kaniyang nataring at para sa kaniyang sarili, at magpapatuloy na maghihintay para sa kaniyang bagong mamahalin.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Lalaking Binusted Ng Kaniyang Crush Dahil Siya Ay Kargador Lamang, Nagbalik Matapos Ang Ilang Taon Upang Maghiganti! appeared first on The Filipino Today.

No comments: