Isang sosyalerang babae na ipinahiya ang isang security guard, lubos na nanlumo noong malaman kung sino talaga ang guard!
Kinakatakutan si Lucy hindi lamang sa kaniyang mataray ngunit napaka gandang mukha, kung hindi dahil pati na rin sa kaniyang ugali.
Laking mayaman kasi ang dalaga at talaga namang sunod sa layaw ito kahit ngayong malaki na siya. Kung kaya naman hindi maikaka ila na bukod sa kaniyang kamalditahan ay tila walang awa sa kapwa ang babaeng ito.
Madalas niyang sungitan ang lahat ng tingin niya ay nakabababa sa kaniyia. Ang mga staff at mga crew na minsan pa nga ay tinatanggalan niya ng trabaho dahil lang sa hindi siya inuna, o mga janitor na madalas pinapahiya niya kapag nababangga siya ng mga ito.
At kahit masama ang pag uugali ay naging kampante si Lucy na kahit kailan ay hindi mawawala sa kaniya ang kinagisnang buhay.
Laking lolo ang dalaga at alam niyang mahal na mahal siya nito, at sigurado siyang sa kaniya mapupunta ang lahat ng pag aari ng matanda sa oras na ito ay mamatay na.
Isang araw ay nagising ng hindi maganda si Lucy dahil sa kaniyang hang over. Magdamag kasi itong nag party kagabi at nilustay na naman ang pera ng lolo niya.
Kung kaya naman napag pasiyahan niyang magpahangin at mag mall upang malamigan naman ang kaniyang ulo.
Ngunit agad na hindi natuwa ang babae noong hindi siya binati ng security guard noong pumasok na siya.
Katwiran ni Lucy ay mall iyon ng lolo niya at lahat ng empleyado doon ay dapat kilala siya at binabati siya ng may pag galang.
Kung kaya naman agad niyang ipinatawag ang lahat ng mga empleyado na malapit sa kanilang lugar at gad niyang pinahiya ag security guard at binantaan na tatanggalan ito ng trabaho.
Ngunit pagka tawag niya sa kaniyang lolo ay nagulat ang lahat noong nag ring ang telepono ng security guard mismo!
At noong sinagot niya ito ay halos magpalamon na lamang ng lupa si Lucy. Ang lalaking inaway-away niya ay lolo niya pala!
Matagal nang nakaririnig ng bali-balita si Mr. Watson tungkol sa ugali ng kaniyang apo kung kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang makita ito.
At ngayon, kumbinsido na siya na kailangan muna ng dalaga na maipadala sa probinsya upang matuto ng magandang asal, dahill hindi niya ipagkakatiwala ang kaniyang pera sa sino mang ganid at abusado sa kapangyarihan.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang sosyalerang babae na ipinahiya ang isang security guard, lubos na nanlumo noong malaman kung sino talaga ang guard! appeared first on The Filipino Today.
No comments: