Search This Blog

Isang Pulubi Na Ipinagtabuyan Sa Restaurant, Ang Nagpahiya Sa Lahat Matapos Siyang Magpakilala Kung Sino Siya!

Isang normal na araw na naman para kay Nikolai bilang waiter ang lilipas, kung kaya naman inihanda na niya ang kaniyang sarili para sa isang madugong araw ng pag sisilbi sa mga costumer at pakikisama sa kaniyang mga katrabaho.

Kung tutuusin ay napag tatyagaan naman ni Nikolai ang kaniyang trabaho, at maituturing pa ngang isang bagay na lubos niyang nae enjoy.

Ngunit dahil sa kaniyang manager at mga kasamahan ay gusto na lamang nito na tuluyan nang mag resign upang tuuluyan nang malayo sa mga ganoong klaseng tao.

Madalas kasi nilang pagtawanan si Nikolai dahil hindi ito nakapag tapos ng high school.

Ipinapasa rin nila ang karamihan sa kanilang trabaho sa kawawang binata, ngunit wala itong magawa dahil siya ang pinaka bata sa kanilang grupo.

Ngunit isang hindi inaasahang sitwasyon ang kaniyang nadatnan pagka datin niya ng restaurant.

Ang kaniyang mga katrabaho kasi ay ipinagtatabuyan na naman ang pulubi na isang linggo nang naglalagi sa kanilang kainan upang manghingi ng pagkain.

At kahit madalas itong ipagtabuyan ng manager ay araw-araw pa rin itong bumabalik.

Ngunit ngayong araw ay isang malaking komosyon ang naganap.

Itiinulak at sinabuyan pa ng tubig ang kawawang matanda, na agad namang hinarang ni Nikolai upang protektahan.

Inakay niya ito palabas, ay ibinigay ang kaniyang jacket upang masigurado na hindi ito malalamigan.

“Sabi ko naman po sa inyo, huwag na kayong pumasok sa loob dahil baka saktan kayo ni boss,” Ani Nikolai, habang kinukuha ang kaniyang baon upang ibigay sa matanda.

“Ang sabi ko po diba, antayin niyo lang ako palagi dito sa labas? Para mag hahati tayo palagi sa baon ko.” dagdag nito.

Ngunit sinagot lamang siya ng tawa ng matanda bago ibalik ang kaniyang baon. Hinawakan siya nito sa kamay bago tuluyang umalis, na lubusang ikipinag alala ng binata.

Ngunit wala siyang magagawa dahil kailangan niyang bumalik sa trabaho.

Maya-maya pa ay nagulat ang lahat noong bumalik ang matanda sa restaurant, ngunit naka suot na ito ng isang magarang damit, at napaka ayos na rin ng itsura!

Si Mr. Lim, na siya pa lang nag mamay ari ng lahat ng establisyemento sa lugar na iyon ay napag pagsyahang magpanggap na pulubi upang makahanap ng kaniyang tagapag mana.

At sa kabutihang palad ay hindi lang heridero ang nahanap niya sa katauhan ni Nikolai, ngunit isang anak-anakan din.


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang Pulubi Na Ipinagtabuyan Sa Restaurant, Ang Nagpahiya Sa Lahat Matapos Siyang Magpakilala Kung Sino Siya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: