Isang ina, hindi makapaniwala matapos malaman kung sino ang laging kausap ng kaniyang anak sa laruang telepono nito
Nagsisimula nang magtaka si Cristine tungkol sa kakaibang ikinikilos ng anak ilang linggo matapos mamaalam ang nanay niya dahil sa atake sa puso.
Lumaking malapit ang anak niyang si Troy at ang ina niyang si Imelda, kung kaya hindi rin niya mapigilang hindi maging emosyonal tuwing naririnig niya na tila nakikipag usap pa rin si Troy sa kaniyangg lola sa laruang telepono niya, katulad ng ginagawa nila sa tuwing magkalayo ang dalawa.
Ngunit katagalan ay napapansin na niya na madalas nang nangyayari ito, at tila mas nagiging kakaiba ang paglalarong ginagawa ni Troy.
Bukod kasi sa pakikipag usap ay tumatawa na rin ito, at minsan ay kahit madaling araw pa ay bumabangon ang bata upang maglaro.
Isa sa mga pinaka nakakikilabot na kaniyang naranasan ay noong minsang nagwala ang kaniyang anak dahil sinubukan niyang itabi ang telepono.
Bukod kasi sa nag iiyak si Troy ay panay ang sabi nito na “tatawag si lola,” na naging simula ng pagka ramdam niya ng kaba.
At isang gabi, habang ang mag ina ay tahimik na nanunuod ng telebisyon ay biglaang tumunog ang telepono ni Troy, at agad tumakbo ang bata upang laruin ito.
Lubos na nangilabot si Cristine ngunit kinumbinsi na lamang niya ang sarili na automatic ang laruan ng anak at bigla-bigla na lamang tumutunog.
Ngunit pagka gising niya kinaumagahan upang siguraduhin ang kaniyang hinala ay hindi napigilang sumigayw ng ina noong nakita niyang wala itong baterya!
Agad-agad ay dinala niya sa abularyo ang anak, at napag alaman nilang hindi pa handa ang lola ni Troy na iwanan ang bata, kung kaya naman nakikipag usap pa rin ito sa kaniya kahit sa kabilang buhay na.
Kalaunan ay natigil din ito matapos magsagawa ng ritwal ang matanda, at sinunog ang teleponong laruan.
Mamayapa na nawa ang kaluluwa ng kaniyang ina.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang ina, hindi makapaniwala matapos malaman kung sino ang laging kausap ng kaniyang anak sa laruang telepono nito appeared first on The Filipino Today.
No comments: