Isang babae na madalas pagtawanan dahil sa araw-araw na ulam na itlog at tuyo, may malalim pa lang pinagdadaanan!
Normal na senaryo na lamang kay Jessi na gumising sa umaga at umiyak bago pilitin ang sariling pumasok sa eskwela.
Normal na rin para sa kaniya ang kaniyang araw-araw na almusal na kape at tiinapay bago ihanda ang kaniyang baon na kanin, itlog at tuyo.
Alam niyang pag tatawanan na naman siya ng kaniyang mga kaklase dahil simula pa noong nakaraang taon ay laging ito na lamang ang araw-araw niyang dinadala upang baunin.
Ngunit para sa dalaga ay hindi niya ito dapat indahin. Bukod kasi sa wala rin naman siyang ibang magawa ay alam niyang hindi nila maiintindihan ang sitwasyon na pinagdadaanan niya.
Minsan pa nga ay may mga pagkakaon na sadyang kinukuha at tinatapon ng kaniyang mga kaklase ang kaniyang baon, dahilan upang buong araw siyang mamilipit sa gutom.
Ngunit siguro nga ay talagang kakaiba ang paningin sa kaniya ng kaniyang mga kaklase.
Dahil kung tutuusin ay nag aaral sa isang ekslusibong paaralan si Jessi, at hindi tipikal para sa kanila ang ganitong klaseng “pang mahirap” na ulam, kagaya ng itinatawag ng mga kaklase niya.
Isang araw ay tinawag na siya ng kaniyang guro upang sa wakas ay matuldukan na ang ganitong sitwasyon na pinagdadaanan ng dalaga.
At doon ay inamin niya na kaya niya araw-araw inihahanda ang itlog at tuyo upang kainin dahil ito ang huling pagkaing inihain ng kaniyang butihing ina sa kaniya bago ito mamaalam.
Labis na nagluluksa sa Jessi sa pagkamatay ng kaniyang ina na wala na siyang ibang gustong kainin kung hindi iyon na lamang, dahil pakiramdam niya ay iyon na lamang ay tanging bagay na nag uugnay sa kaniya at sa kaniyang ina.
Hindi naman napigilan ng kaniyang guro na lumuha sa rebelasyong ito ni Jessi at nangako na hindi niya ipagkakalat ang kaniyang sikreto.
Bukod pa rito ay nangako rin ito na pprotektahan na niya ang dalaga laban sa kaniyang mga kaklaseng mahilig manukso.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang babae na madalas pagtawanan dahil sa araw-araw na ulam na itlog at tuyo, may malalim pa lang pinagdadaanan! appeared first on The Filipino Today.
No comments: