Search This Blog

Isang Anak Na Malaki Ang Galit Sa Kanyang Ina, Nagawa Niyang Abandunahin Dahil Sa Galit Niya Dito!

Kahit ilang beses mang ipaliwanag kay Farah, hindi pa rin maalis sa puso niya ang galit sa kaniyang ama na iniwan siya dahil sa kahirapan.

Lumaki siyang kasama ang kaniyang ina na walang ibang ginawa kung hindi uminom at saktan siya tuwing nalalasing ito.

Palagi nitong sinasabi na pinili ng kaniyang ama ang magandang buhay, imbis na alagaan ang kaniyang mag ina.

Kung kaya naman kahit lasinggero ang kaniyang ina ay hindi niya rin ito maiwan dahil alam niyang sila na lamang ang ang natitirang magkasanga.

Isang araw, hindi inaasahan ni Farah na makabangga ang isang babaeng agad na nakilala kung sino siya.

Sa lubos na pagtataka ay agad siyang nagtanong kung sino ito, at napag alaman niyang ito ang kaniyang tita at ninang, ang kapatid ng kaniyang ama!

Unang pumasok sa isip ni Farah ang ipagtabuyan ito, ngunit naisip ng dalaga na bagkus ito na ang pagkakataon upang malaman niya kung asan ang kaniyang tatay.

Sabi ng kaniyang tiyahin ay agad niyang nakilala si Farah dahil walang dudang kamukhang kamukha ito ng kaniyang ama.

Paliwang nito, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na iwan si Farah dahil matagal na nitong pangarap ang maging magulang katulad niya.

Ngunit dahil sa pagiging abusado ng kaniyang ina ay hindi na niya natiis ang araw-araw pag aaway.

Ilang beses na sinubukan ng kaniyang ama na bawiin si Farah ngunit lagi itong pinagbabantaan ng kaniyang ina, at doon na nagtago tago ang babae kasama ang kaniyang anak upang hindi na sila matunton dalawa.

Labis ang pang lulumo ng dalaga matapos malaman ang katotohanan.

Sa sobrang galit niya sa ginawang kasakiman ng kaniyang ina ay walang pag aatubiling umalis ang dalaga sa puder nito at sumama sa kaniyang tiyahin, na binigyan siya ng trabaho upang makapag simulang muli.

Labis naman ang tuwa ng kaniyang ama na ngayon ay nasa Amerika nagtatrabaho nangako na uuwi agad upang makasama na siya sa wakas.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion!

The post Isang Anak Na Malaki Ang Galit Sa Kanyang Ina, Nagawa Niyang Abandunahin Dahil Sa Galit Niya Dito! appeared first on The Filipino Today.

No comments: