Anak ng isang mayaman na madalas hamakin ang kanilang labandera at anak nito, napahiya matapos malaman ang totoo
Spoiled at walang kaduda-duda na lumaki sa pagmamahal ang labing tatlong taong si Miranda.
Ngunit kagaya hindi kagaya ng ibang bata ay tila naging dahilan pa ang kanilang estdao sa buhay upang maging hindi kagandahan ang ugali nito, dahil na rin hindi siya madalas natututukan ng kaniyang mommy na isa namang doktor.
At dahil wala siyang tatay ay hindi maintindihan ni Miranda kung bakit kailangan siyang iwan ng kaniyang mommy palagi, gayong alam naman niyang mayaman na sila at kaya nitong huwag pumasok kahit ilang araw pa para sa kaniya, ngunit hindi niya ito magawa.
Kung kaya naman hindi man niya maamin sa sarili ay labis siyang naiinggit sa anak ng labandera nilang si Motty, na hindi man kagandahan ang buhay ay lagi namang nasa tabi ang kaniyang ina sa halos lahat ng oras.
Nakikita rin nito kung paano asikasuhin ni aling Alma, ang kanilang labandera si Motty.
Kung kaya naman para sa kaniya, isang malaking kalokahan lamang ang samahan nila dahil napuno na siya ng galit sa kaniyang puso.
Tuwing pupunta ang dalawa upang maglaba ay madalas niyang pinapahirapan ang mga ito, at sadyang sinisira ang mga damit na nilalabhan ni aling Alma upang mapagalitan siya ng kaniyang mommy.
Ngunit ang mas ikinagagalit pa ni Miranda ay siya pa mismo ang pinapagalitan ng mommy niya!
Isang araw, matapos niyang away-awayin si aling Alma ay nagulat siya noong lapitan siya ng kaniyang mommy upang kausapin.
Sinigaw-sigawan ito ng dalaga ngunit lubos ang kaniyang gulat ng nagsimula itong umiyak at nanghingi ng tawad.
Aniya, kasalanan lahat niya kung bakit naging ganito ang pag uugali ng anak dahil mas pinipili niyang mag trabaho dahil sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Miranda ay naalala niya ang kaniyang asawa na namayapa isang taon pa lamang ang nakararaan.
Tila naman sinampal si Mirandan dahil sa kaniyanng madalas na pag iisip sa sarili, at hindi man lang sumagi sa isip niya na bukod sa kaniya, ay nag hihinagpis din ang kaniyang ina, na ngayon ay humaharap pa sa responsibilidad ng pagiging single parent.
Matapos tumahan ang kaniyang mommy ay agad na nanghingi ng tawad sa kaniyang ikinilos si Miranda at nangako na unti-unti siyang magiging mas maintindihin sa ina, upang sa wakas ay maayos na ulit ang relasyon nila.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Anak ng isang mayaman na madalas hamakin ang kanilang labandera at anak nito, napahiya matapos malaman ang totoo appeared first on The Filipino Today.
No comments: