Search This Blog

Ama Na Tulak-tulak Ang Kaniyang Anak Na Nakawheel Chair Sa Pag Aapply Ng Trabaho, Nagpaluha Sa Maraming Netizens!

Isang netizen ang viral ngayon sa social media matapos siyang magbahagi ng isang emosyonal na eksena na kaniyang nasaksihan habang nag aantay ng mga aplikante sa trabaho.

Si Zaldy Ordiales Bueno, isang hea dteacher sa isang pampublikong paaralan ang na antig sa isang aplikante na may kakaibang kwento.

Ayon kay Bueno, pumasok ito ng naka wheel chair at inamin na singkwenta na ang edad.

“Na delay po ang pag-aaral ko dahil sa aksidente kaya naka wheelchair po ako.
Buti na lang, nakapag-ALS ako noong 2014
at nakapasa sa test at naka graduate ng high school noong 2015.” sabi ng aplikante.

Dagdag nito, “Nag college po ako sir para matupad ang pangarap ko.
Nag education po ako at nakapasa sa LET noong 2019.
Kaya sumusubok po akong mag-apply para makatulong sa magulang.”

At nang tanungin ni Bueno kung asan ang magulang nito ay agad niyang tinuro ang matanda na siyang tumutulak sa kaniyang wheel chair, nag hihintay na matapos ang kaniyang interview.

“Siya po ang tatay ko.
Anim na taon na po niya akong itinutulak sa wheelchair mula ng mag college ako hanggang umexam ng LET hanggang ngayong nag aaplay na ako.”

Mula dito ay hindi na niya napigilan ang maluha sa kwento ng lalaki, at dahil doon ay personal pa niyang inirekomenda ang pangalan ng kaniyang aplikante sa ibang mga paaralan na nag hahanap ng punung guro.

Dagdag ni Bueno, “Maraming kabataan ang mahahamon at mamumulat dahil sa kanyang angking determinasyon.
At sana ma-hire siya.
Dahil hindi lang pagsisikap niya ang magbubunga
Pati narin ang matiyagang pagtutulak ng wheelchair ng kanyang ama…
Ang kanyang ama…
Oo, ang kanyang ama na ngayon ay edad SITENTA y SINGKO NA.


“Na umaasang isang araw,
Bago dumating ang dapithapon ng buhay,
Ay magiging guro parin ang anak niyang minamahal.
At kapag nangyari iyon,
Si tatay na ang magiging pinakamasayang ama.
Sa mga kabataang malalakas pa sa kalabaw?
At wala namang mga kapansanan,
Sino tayo para sumuko?
Sino tayo para bumitaw?
Na sa mga hamon ng BUHAY,
Sino tayo para umayaw?”


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Ama Na Tulak-tulak Ang Kaniyang Anak Na Nakawheel Chair Sa Pag Aapply Ng Trabaho, Nagpaluha Sa Maraming Netizens! appeared first on The Filipino Today.

No comments: