Search This Blog

Alamin ang buong kwento ng isang batang na kinupkop at pinalaki ng pamilya ng mga unggoy

Bata pa lamang si Marina noong malayo siya sa kaniyang pamilya dahil sa pag kidnap sa kanila ng ilang mga hindi kilalang lalaki.

Ayon sa kaniya ay limang taon pa lamang siya nang bigla siyang dakupin ng mga ito at dalhin sa isang malayong lugar, sa isang gubat na walang kahit anong senyales ng buhay ng tao.

SInubukan man ni Marina na manghingi ng tulong ay tila walang nakakarinig sa dalaga, at wala rin umanong kahit anong sasakyan ang dumadaan na maaring makapansin sa kaniya.

Sa haba ng kaniyang paglalakad ay natagpuan niya ang isang maliit na pamilya ng mga unggoy, ngunit sa umpisa ay tila wala umano itong pakealam sa kaniya.

Ngunit dahil nakaramdam ng kakaibang ginhawa si Marina dahil ayon sa kaniya, kahit papano ay parang tao rin ang itsura at asal ng mga ito, ay sinubukan niyang tahimik na magmanman at gayahin na lamang ang kanilang ginagawa upang makakuha ng pagkain.

Isang araw, noong nalason siya sa isang prutas ay isang matandang unggoy umano ang lumapit sa kaniya upang painumin siya ng isang kakaibang tubig putik.

Agad na gumaling ang bata at matapos noon ay nilalapitan na rin siya ng mga batang unggoy, dahilan upang maging parte na siya ng maliit na pamilya nila.

Natuto na siyang umakyat ng puno, manguha ng saging at makipag laro sa ibang mga hayop hanggang sa unti-unti na niyang nakasanayan ang kapaligiran na iyon para sa kaniya.

Malabo man sa memorya ni Marina ang iba pang mga nangyari dahil matapos noon ay na rescue din siya noong isang beses ay sinubukan niya muling magtatatakbo palayo sa gubat.

Doon ay napalayo na siya sa kaniyang kinagisnang pamilya at nagkaroon ng maayos na buhay matapos ampunin ng mag-asawang binigyan siya ng bagong katauhan at pangalan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Alamin ang buong kwento ng isang batang na kinupkop at pinalaki ng pamilya ng mga unggoy appeared first on The Filipino Today.

No comments: