Lalaking Hinusgahan At Tinawanan Ng Mga Empleyado Dahil Sa Baguhan Ito, Ginulat Ang Lahat Matapos Aminin Ang Tunay Niyang Pagkatao!
Matagal nang nagtatrabaho si Deanna bilang isang crew sa isang sikat na coffee shop kung saan niya natutunang ngumiti at maaliw muli sa kabila ng dami ng kaniyang mga problema.
Para sa kaniya, bukod sa sahod na nakukuha niya rito ay malaking bagay na nagagawa pa rin niya ang bagay na gusto niya at yun ay isang maging barista.
Kung kaya naman kilala na siya bilang isang mapag mahal na katrabaho na palaging naka ngiti, at tagapagpa kalma ng mga iritadong costumer na gusto lamang makapag kape.
Hindi na bago kay Deanna na makisalamuha sa mga bagong salta sa kanilang coffee shop.
Sa unang araw pa lamang ng bago nilang katrabaho na si John ay agad niya itong inalalayan sa mga gawain sa tindahan.
Ngunit hindi tulad ng iba ay kinakitaan ng kapintasan ng kaniyang mga katrabaho ang hubog ni John bilang isang matangkad at malaking tao.
Bukod sa natatakot silang lapitan ito ay madalas din nilang pagtawanan ang lalaki dahil sa itsura nito, at sinusungitan naman sa tuwing nanghihingi ito ng tulong sa trabaho.
Dahil baguhan, dama ni John na hindi pa siya tanggap ng kaniyang mga katrabaho at hindi rin nila gusto ang kaniyang pagiging “mabagal” dahil kulang pa siya sa kaalaman.
Ngunt si Deanna ay naging pasensiyosa sa pag alalay sa lalaki at totoong naniwala sa kaniyang kakayahan bilang empleyado.
Isang araw ay ginulat ni John ang buong crew matapos itong pumasok sa kanilang shop na nakasuot ng napaka gandang coat.
Malinis na rin ang itsura nito, na lubos na ipinagtaka nila Deanna.
Doon ay inamin niya na isa siyang “undercover boss” na nais kilalanin ang kaniyang mga trabahador at tanging si Deanna lamang ang nagpakita sa kaniya ng kabaitan.
Agad namang nagsisi ang ibang mga empleyado ngunit huli na ang lahat para sa kanila.
Samantala, si Deanna naman ay ginantimplaan ni John at na promote pa sa trabaho!
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Lalaking Hinusgahan At Tinawanan Ng Mga Empleyado Dahil Sa Baguhan Ito, Ginulat Ang Lahat Matapos Aminin Ang Tunay Niyang Pagkatao! appeared first on The Filipino Today.
No comments: