Kasambahay na nilinis ang isang napakalaking mansyon, hindi makapaniwala nang malaman ang tunay na nag mamay ari nito!
Maagang naging ulilang lubos si Marnella.
Ngunit hindi naman siya lumaki na walang kinagisnang magulang. Sa katanuyan ay napuno siya ng pagmamahal ng kaniyang ama at ina noong nabubuhay pa ang mga ito.
Kung tutuusin ay hindi naman mahirap ang buhay ni Marnella dahil dating engineer ang tatay niya at nagtatrabaho naman sa bangko ay kaniyang ina, sunod pa nga sa luho ang bata, ngunit nagbago ang lahat nang bawian ng buhay ang mga ito sa isang aksidente.
At dahil sakim ang mga kamag anak nila ay kinamkam nila ang natitirang ipon ng kaniyang mga magulang na dapat sana ay para sa kaniya, at pinilit siyang magtrabaho upag may maipang tustos sa pag aaral niya.
Sinasaktan din siya ng kaniyang tiyahin at mga anak nito, kung kaya naman ay napag desiyunan na lamang niyang lumayas at tuluyang makipag sapalaran na lamang sa lansangan.
Kaya heto siya ngayon, namamasukan ng katulong kung saan-saan upang makalibre ng pagkain at tahanan.
Isang araw, isang magandang balita ang natanggap ni Marnella, kung saan ay matatrabaho siya bilang kasambahay sa isang napaka laking mansyon.
At wala siyang ibang kailangang gawin kundi panatilihing malinis ang kalahating parte nito, lalong-lalo na ang hagdan na paboritong daanan ng kaniyang amo.
Isang matandang dalaga ang magiging amo ni Marnella, ngunit sa napag alaman ng dalaga ay isa na itong ganap na byuda.
Nang makarating siya sa bahay ay agad itong nag simulang maglinis.
Ngunit hindi pa natatapos sa pagpupunas ng hagdan ang dalaga ay agad na siyang pinatawag ng kaniyang amo sa kwarto nito, na lubos namang ikinadulot ng kaba niya.
Pagdating niya ay hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nerbyos dahil bukod sa ipinatawag agad siya sa unang araw ng trabaho ay labis na kamukha ng ginang ang kaniyang ina!
“Sa wakas, natagpuan na rin kita,” ika nito, na agad niyakap ang dalaga.
Napag alaman niya na ang ginang pala ang kaniyang tunay na lola, na minsang itinakwil ang kaniyang ina dahil sa pagpapakasal nito sa kaniyang ama.
Ngunit agad nagsisi ang matanda lalo noong naging mag isa na lamang siya, at nalaman pa niyang namatay ang kaniyang anak.
Kung kaya naman ginawa niya ang lahat upang mahanap ang kaniyang apo, at nangakong aalagaan ito upang maging panatag ulit ang kaniyang mga maglang sa langit.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion
The post Kasambahay na nilinis ang isang napakalaking mansyon, hindi makapaniwala nang malaman ang tunay na nag mamay ari nito! appeared first on The Filipino Today.
No comments: