Search This Blog

Isang Lalaking Gusgusin Na Inakalang Pulubi At Inalipusta Ng Mga Empleyado Sa Isang Tindahan, Labis Ang Pagsisisi Matapos Malaman Ang Katotohanan!

Gaya nga ng sabi ng mga nakatatanda, “do not judge the book by its cover” dahil kailanman ay hindi natin malalaman ang nasa loob nito hangat hindi nattin binabasa at kinikilatis nang maigi.

Kagaya na lamang ng nangyari sa isang Thai national na ito na naransang alipustahin at maliitin dahil lamang sa kaniyang suot na damit.

Si Lung Decha, isang retiradong mekaniko, ay nag viral sa social media matapos ibahagi ang kaniyang kwento at kung paano siya tinapak-tapakan ng mga tao.

Matapos kasi ng kaniyang pag reretiro ay naisipan ni Decha na pumunta sa tindahan ng mga motor upang magtingin tingin.

Matagal na kasing pangrap ng matanda na magkaroon ng kaniyang sariling motor ngunit sa kasamaang palad ay wala pa siyang sapat na kakayanan upang bilhin ito.

Dala-dala lamang ang sarili ay nagpunta si Decha sa tindahan ng nakayapak, sira-sira ang damit at talaga namang mukhang gusgusin.

Para sa isang mekanikong kagaya niya ay normal na itsura lang ito kung tutuusin.

Ngunit ikinagulat niya noong pinagkamalan siyang pulubi ng mga empleyado at ipinagtabuyan pa dahil sa itsura nito.

Nagpalipat lipat din si Decha ng tindahan dahil halos lahat ng kaniyang napuntahan ay pare-parehas lamang ang naging pagtrato sa kaniya.

Kung kaya naman nooong nakapahanap na siya ng isang tindahan na itinuring siyang costumer kahit hindi kaaya-aya ang kaniyang pananamit ay agad siyang pumili ng motor na magugustuhan, at laking gulat ng lahat noong pinili niya ang isa sa mga pinaka mahal na motor na mayroon sila.

Kaagaad niyang inilabas ang kaniyang pera na naglalaman sa halos 600,000 baht (o pumapatak ng S$24,000) at binayaran ng buo ang motor na matagal na niyang pinangarap at sa wakas ay nabili matapos ang matagal na paghihirap.

Walang duda na nagsisis ang mga empleyado na sinungitan at minata-mata siya sa mga naunanang tindahan na kaniyang napuntahan.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Isang Lalaking Gusgusin Na Inakalang Pulubi At Inalipusta Ng Mga Empleyado Sa Isang Tindahan, Labis Ang Pagsisisi Matapos Malaman Ang Katotohanan! appeared first on The Filipino Today.

No comments: