Search This Blog

Isang daga na laging binibigyan ng pagkain ng isang minero, hindi inaakalang sasagipin ang buhay niya nito!

Matagal nang nagtatrabaho bilang minero si Paul.

At dahil madalas nasa labas ay naging natural na sa kaniya ang maging lapitin ng mga hayop, isang katangian niya na pamilyar ang kaniyang mga katrabaho, dahil madalas nasasaksihan ang pakikipag usap niya sa iba’t ibang uri na nakakasalamuha niya.

Kung kaya naman unti-unti ay nagiging katulad na rin nila si Paul, na nagiging mabait sa kahit anong hayop.

Kagaya na lamang ng isang daga na natagpuan nila sa kweba na kanilang minimina, na palaging lumalapit kay Paul.

Palagi naman itong binibigyan ng pagkain ng binata, at ginaya sya ng mga katrabaho nito.

Hanggang sa naging parte na ito na kanilang araw-araw nna pagtatrabaho, dahil sa dalas na pag bisita nito upang humingi ng pagkain sa kanila.

Pinangalanan pa nila ang munting daga na Muymuy, dahil mahilig daw itong mag “amoy-amoy.”

Isang ara ay payapa na kumakain si Paul kasama ang kaniyang mga katrabaho sa kweba.

Tanghalian na noon at nagtataka siya dahil wala pa rin si Muymuy.

Kung kaya naman napag desisyunan nitong magtabi na lamang ng pagkain para sa daga. Naisip nito na kapag gutom ang hayop ay tiyak lalapit din iyon upang maghanap.

Kalaunan pa ay napag desisyunan nilang magkaka trabaho na matulog muna dahil marami na silang namina sa araw na iyon.

Maya-maya ay nagising na lamang si Paul na tila may kumakagat sa kaniyang daliri.

Pagmulat ng kaniyang mata ay ganoon na lamang ang gulat niya nang makita niya si Muymuy na tila kakaiba ang kinikilos, kung kaya naman ay agad niyang giniising ang kaniyang mga katrabaho upang manghingi ng tulong.

Ngunit ilang minuto lamang simula ng kanilang pagbangon ay nagulat sila dahil bigla na lamang bumigay ang parte ng kweba na hinihigaan nila mismo.

At kung hindi sila ginising ng daga ay malamang, kasama sila sa mga natabunan ng malalaki at nakamamatay na mga bato.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Isang daga na laging binibigyan ng pagkain ng isang minero, hindi inaakalang sasagipin ang buhay niya nito! appeared first on The Filipino Today.

No comments: