Search This Blog

Isang batang tagapagmana, nagpanggap na baguhang emplyado ng kompanya at hindi makapaniwala na naranasan niya!

Maaga mang maituturing ngunit handa si Jake sa ipinataw na responsibilidad sa kaniya bilang isang bagong tagapagmana ng kanilang kompanya.

Noong namatay kasi ang kaniyang ama ay hindi sinigurado ng abogado nito na mapupunta lahat sa binata ang lahat ng pag-aari nito, upang hindi siya malamangan ng kaniyang madrasta na pinakasalan lamang ang kawawang matanda dahil sa pera.

Kung kaya naman kahit biglaan ay ipinangako niya sa ama na gagawin niya ang lahat upang maiangat muli ang kanilang kompanya.

At bago siya magpakilala bilang bagong CEO ay nais munang gumawa ni Jake ng isang eksperimento.

Dahil mga matataas na tao ang kaniyang madalas na makakasama sa oras na siya ay naluklok sa posisyon ay nais siguraduhin ng binata na ang kanilang mga trabahante na nasa ibaba ay may disiplina at marunong makipag kapwa.

Kung kaya naman nauna siyang pumasok bilang isang bagon saltang office worker sa kanilang kompanya, upang makilala ang mga taong nagiging dahilan ng patuloy na pag unlad ng kanilang negosyo.

Sa kaniyang unang araw ay walang masyadong napansin si Jake, dahil tila mailap ang mga tao at masyado rin silang tahimik.

Katagalan, napapansin nitong tila mabilis yata masyado ang lunch break ng kaniyang mga katrabaho, kahit para sa kaniya na masinop sa oras.

At unti-unti, nakikita niya kung paano tratuhin ng mga opisyal na tauhan ng kaniyang madrasta ang mga empleyado niya, na walang ibang magawa kung hindi sumunod sa mga ipinag uutos nila.

Noong nalaman niya na masyado ring mababa ang ipinapasahod para sa kaniyang mga trabahante ay doon na tumigil sa pagpapanggap si Jake.

Sa wakas ay nag pakilala na ito bilang bagong tagapag mana ng kumpanya at isa-isang pinagtatanggal ang lahat ng mga taong nagpapahirap sa mga empleyado niya.

Bumawi rin siya sa lahat ng mga trabahante at nangako sa kaniyang pamamalakad ay uunahin niya ang kapakanan ng kaniyang mga tao.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Isang batang tagapagmana, nagpanggap na baguhang emplyado ng kompanya at hindi makapaniwala na naranasan niya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: