Search This Blog

Isang Babaeng Mayaman Kinutya Ng Kaniyang Mga Kaibigan At Magulang Dahil Jeepney Driver Lamang Ang Nobyo Niya!

Galing sa nakaluluwag na pamilya si Patricia.

Hindi lamang ito lumaki sa luho kung hindi nakapag tapos din ito ng pag aaral sa isang ekslusibong paaralan.

Ngunit habang siya ay nasa kolehiyo ay nag simulang mag focus si Patricia sa mga charity works at outreach program, kung kaya naman nanatili itong may simpatya sa tao at mabait sa kapwa.

At doon niya nakilala si Paolo, isang jeepney drive na buong puso rin ang pagtulong sa mga kagaya niyang nangangailangan.

Madalas ay nagkakasama ang dalawa sa mga aktibidad para sa mga batang lansangan, kung saan tinuturuan nila ang mga itong magbasa at magsulat.

Hindi man nakapagtapos ng kolehiyo ay nakatungtong naman ito ng second year.

Magkasundo sa maraming bagay si Patricia at Paolo, kung kaya naman ay hindi nakapag tataka na nagkapalagayang loob agad and dalawa.

Ngunit dahil sa magkaibang estado ng kanilang buhay ay talaga naging hadlang ang mga kaibigan ni Patricia sa pag iibigan ng dalawa.

Kahit ultimo ang mga magulang ng dalaga ay hindi boto kay Paolo, hindi ito naging rason para sa kaniyang mga barkada na tuluyang mag tiwala sa binata.

Para sa kanila ay walang ibang habol si Paolo kung hindi pera, at hindi nito kayang itaguyod ang kaibigan dahil sa trabaho at katayuan sa buhay.

Nagsimulang manirahang magkasama ang dalawa at unti-unting nabago ang buhay ni Patrica.

Naalisan siya ng rangya at dahan-dahang mas namulat sa kahirapan.

Ngunit hindi pinabayaan ni Paolo na habang buhay ay maging ganoon ang kanilang sitwasyoon.

Nagtayo ng negosyo ang binata gamit ang kaniyang naipong pera at binitawan ang pagiging driver, hanggang unti-unti itong lumago at naging matagumpay.

Ngayon ay isa ng kilalang businessman si Paolo, at isang mabuting maybahay na si Patricia at maasikasong ina sa kanilang tatlong anak.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion

The post Isang Babaeng Mayaman Kinutya Ng Kaniyang Mga Kaibigan At Magulang Dahil Jeepney Driver Lamang Ang Nobyo Niya! appeared first on The Filipino Today.

No comments: