Grupo ng mga divers, hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan sa ilalim ng isang misteryosong lawa sa Turkey!
Isang hindi inaasahang pagtuklas ang nasaksihan ng isang grupo ng mga divers sa Turkey, matapos nilang sisirin ang isang lawa sa Van at Bitlis.
Ang Lake Van, kung saan napaliligiran ng isang malaking komunidad ay naglalaman ng napaka raming sikreto na matagal na nilang nais alamin.
Ngunit sa likas na kapahakamang taglay ng lawang ito ay hindi magawa ng mga eksperto na sisirin ang kaniyang lalim ng walang gamit na makabagog teknolohiya.
Kaya naman matapos nilang malaman na isang grupo ng mga divers ang nais silang samahan upang sa wakas ay tuklasin na ang lihim ng Lake Van ay wala silang pag aatubiling pumayag.
Bukod kasi sa hindi pa nila nasisisid ang kaibutura nito ay may isa ring kinatatakutan ang mag residente sa Lake Van, at iyon ang tinatawag nilang “Lake Monster.”
Ayon sa ulat ng ilang mga nakakita nito ay mistula raw itong isang malaking octopus na mas nakakatakot pa ang wangis.
Paminsan-minsan ay lumilitaw ito sa mismong lawa ngunit agad ding lumulubog makalipas ang ilang segundo.
Ayon sa mga residente ay naniwala silang ang nilalang na ito ay may binabantayan sa kailaliman ng kaniyang tahanan.
Nag umpisa na ang kanilang operasyon at dama nila ang takot sa kanilang mga pwedeng matuklasan sa kanilang pagda dive.
Ngunit para sa siyensa ay hinarap ng mga dakilang divers na ito ang kanilang mga kilabot upang sa wakas ay mabigyang linaw na ang misteryo ng Lake Van.
At hindi nila inaasahan ang kanilang natagpuan.
Isang kastilyo!
Isang lumubog na kastilyo na pinaniniwalaang itinayo 3,000 taon na ang nakaraan.
Sa kasamaang palad ay sa tagal nilang nag ikot ay hindi nila nakita ang kakaibang nilalang na nais nilang masilayan.
Ngunit ang mahalaga ay isa na namang kakaibang impormasyon ang kanilang naungkat na magsisilbing panibagong ambag sa kultura ng kanilang bansa.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussion
The post Grupo ng mga divers, hindi makapaniwala sa kanilang natuklasan sa ilalim ng isang misteryosong lawa sa Turkey! appeared first on The Filipino Today.
No comments: