Search This Blog

Babaeng Pinakasalan Ang Matandang Lalaki, Hindi Makapaniwala Sa Kaniyang Natuklasan Matapos Ang Kanilang Kasal!

Bata pa lamang ay mulat na sa kahirapan ang dalagang si Jessica.

Namuhay kasama ang kaniyang mga magulang at ang kaniyang kuya na naging bread winner na ng kanilang pamilya, malinaw kay Jessica na kailangan niyang magsipag upang makatulong sa kaniyang kapatid at maiahon ang kaniyag pamilya sa hirap.

Ngunit dahil sadyang mapagbiro ang tadhana ay lalong nabaon sa utang ang buong pamilya.

Ang kuya niyang si James, na matagal ng pangarap ang mag asawa at bumuo ng sarili niyang pamilya ay tila nawawalan na nang pag-asa.

Bukod kasi sa wala siyang kakayanan na bumuhay ng maybahay at anak ay unti-unti na ring nagiging matanda ang binata.

Isang araw ay naging usap-usapan ang isang matanda na dumalaw sa sityo nila Jessica upang maghanap ng mapapangasawa.

Kalakip nito ay ang pangakong iaahon niya sa hirap ang buong angkan ng magiging kabiyak sa oras na pumayag itong makipag isag dibdib sa kaniya.

Marami ang babaeng naenganyo, ngunit laking pagtataka nila kung bakit tila wala ni isa sa kanila ang nakapasa sa panlasa ng lalaki.

Hanggang sa napagdesisyunan ni Jessica na dalawin ang lalaki at kausapin ito.

Agad namang namangha ang matanda kay Jessica dahil bukod sa ganda nitong taglay ay matalino din itong kausap. Malinaw para sa lalaki na siya na ang gusto niyang mapangasawa ngunit nagulat siya noong sinabi ni Jessica na kailangan niya munang pag isipan ang gagawin.

Ipinaintindi ng dalaga na gagawin lamang niya ito para sa pagmamahal sa pamilya, na lalong mas ikinahanga ng matanda.

Dumating na ang mismong kasal ay takot na takot si Jessica sa mga posibleng mangyari sa kanilang dalawa gayong sila ay ganap na mag asawa na.

Matapos ang selebrasyon ay naunang pinauwi si Jessica sa mansiyon.

Laking pagtataka nito nang imbis na matanda ay isang guwapo at makisig na binata ang humarap kay Jessica, at saka nito ipinagtapat ang lahat.

Ang inakala niyang matanda ay isa palang binatang tagapag mana ng isang mayamang pamilya na hindi naniniwala sa pag-ibig, ngunit, ngunit malakas ang pananalig sa kabutihan.

Aniya, napili niya si Jessica dahil nakakitaan niiya ito ng mabuting asal at wagas na pagmamahal sa pamilya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Babaeng Pinakasalan Ang Matandang Lalaki, Hindi Makapaniwala Sa Kaniyang Natuklasan Matapos Ang Kanilang Kasal! appeared first on The Filipino Today.

No comments: