Ikinahiya niya ang kaniyang tatay sa trabaho nitong kargador, ngunit agad niya itong pinagsisihan matapos itong mangyari
Normal sa mga bata ang ipagmalaki ang kanilang mga magulang sa iba pa nilang kalaro at kamag-aral. Ngunit dahil sa inggit, ang iba ay mas pinipili na lamang na magsinungaling upang hindi mapahiya sa kanilang kaantasan sa buhay.
Si Dan ay lumaki sa isang mahirap na tahanan. Taga-deliver lamang ng gas ang trabaho ang kaniyang ama, kaya naman madalas ay naiinggit siya sa kaniyang mga kaklase, lalo na kay Ben.
Si Ben ay anak ng isang mayamang negosyante. May bago at mamahalin itong kotse, at kaya nitong bilhin lahat ng mamahaling laruan na ipinapabili ni Ben. Dahil ditto, marami sa kanilang mga kamag-aral, lalo na si Dan, ang nais na maging katulad ni Ben.
Isang araw, dahil malapit na ang father’s day, ipinapakwento ng kanilang mga guro ang trabaho ng kanilang ama. At dahil nga may magandang katayuan sa buhay si Ben, masaya itong nagkukwento habang tahimik na nakikinig ang kaniyang mga kaklase.
Mula sa inggit na nararamdaman dahil sa mga narinig, napalitan ng kaba ang emosyon ni Dan dahil bigla siyang itinuro upang sunod na magbahagi ng kaniyang kwento tungkol sa kaniyang ama.
Naisip ni Dan na malayong-malayo ang itsura ng kaniyang ama kumpara sa sa ama ni Ben. Ang tatay nito ay may sasakyan at nakasuot palagi ng mamahaling damit- ngunit ang ama ni Ben ay nakasuot lamang ng luma at maduming damit, sakay ng kaniyang lumang bike, kapag ito ay nagdedeliver ng gas. Dahil dito, nagsinungaling si Dan at sinabing CEO rin ang kaniyang ama, at mayroon itong bagong sasakyan.
Dahil hindi kumbinsido ang kaniyang mga kamag-aral, sinabi ng mga ito na nais nilang makilala ang ama ni Dan sa nalalapit na father’s day celebration sa kanilang eskwelahan. Kinabahan si Dan sa narinig dahil natatakot siyang mabisto ang kaniyang kasinungalingan.
Nang malapit na ang araw ng selebrasyon ay umamin si Dan sa kaniyang ama tungkol sa kaniyang ginawa. Ngunit imbis na magalit ay nangako itong magiging maayos rin ang lahat. Kinabukasan, si Dan lamang ang walang ama sa selebrasyon. Masaya siy dahil hindi siya nahuling nagsisinungaling, ngunit nalulungkot rin siya dahil wala ang kaniyang ama doon.
Ngunit,ilang minute pa ang lumipas ay dumating ang kaniyang ama at nakasuot ito ng mamahaling damit upang siya ay sunduin. May kotse rin itong dala kaya’t labis ang pagkagulat at saya niya dahil pakiramdam niya ay natutupad na ang kaniyang kahilingang maging mayaman.
Nang makaalis sa paaralan, napag-alaman ni Dan na hiniram lang pala ng kaniyang ama ang lahat ng mga damit at kotse nito mula sa kaniyang amo. Doon ay narinig niya ang pag-uusap ng dalawa na dadagdagan na lamang ng ama ni Dan ang kaniyang mga gas na idedeliver upang makabawi sa pagpapahiram ng gamit.
Narealize ni Dan na hindi tamang ikinakahiya niya ang trabaho ng kaniyang ama, sapagkat ginagawa nito ang lahat upang maitaguyod siya at ang kaniyang pag-aaral. Kahit mahirap ang trabaho, nagsusumikap ito para lamang mabigyan siya ng magandang buhay- at dapat ay maging proud siya sa lahat ng mga ginagawa nito para sa kaniya.
The post Ikinahiya niya ang kaniyang tatay sa trabaho nitong kargador, ngunit agad niya itong pinagsisihan matapos itong mangyari appeared first on The Filipino Today.
No comments: