Search This Blog

Mag-asawang namundok at nanirahan doon ng 60 years, may nakaka hangang kwento ng buhay

Ang tahanan ay hindi nasusukat sa kung ano ang mga materyales na ginamit sa pagbuo ng bahay. Nasusukat ito sa uri ng pamumuhay at pagsasama ng pamilyang naroon.

Sina Liang Zifu at Li Suying ay pinalaki ang kanilang apat na anak sa isang kuweba kung saan nakatira ang mag-asawa sa nakaraang 54 taon, malapit sa Nanchong, lalawigan ng Sichuan ng Timog-Kanlurang Tsina.

Dahil sa kahirapan, ang mag-asawa ay unang lumipat sa kwebang ito dahil hindi nila kayang bumili ng bahay nang ikasal sila. Si Liang Zifu ang nakadiskubre sa kwebang ito nang minsan siya ay maglakad-lakad sa kakahuyan upang maghanap ng kanilang makakain.

Noong una ay tila isang normal na kweba lang ito na kanilang piniling tirhan dahil sa sa kahirapan, ngunit sa kasalukuyan, ang nasabing tahanan ng mag-asawa ay mayroon na ngayong tatlong silid-tulugan, isang kusina, isang sala at kahit isang paalagaan ng baboy.

Sinusubukan ng mga lokal na awtoridad na akitin ang mag-asawa na lumipat sa isang mas mahusay na lugar, ngunit ang mag-asawa ay tumanggi dahil nasanay na sila sa kanilang bahay ng yungib, na mas malamig kaysa sa labas ng tag-init at mas mainit sa taglamig.

Katwiran din ng mag-asawa na dito nila sinimulan ang kanilang pamilyang binuong magkasama. Naging maayos ang pamumuhay nila sa loob ng kwebang ito kaya naman hindi na nila nais pang lumisan.

Gayunpaman, sinabi ng mag-asawa na minsan ay nakakakuha sila ng “isang pakiramdam ng kalungkutan” dahil ang kanilang mga anak ay umalis na sa kanilang puder at lumipat na nang lumaki ang mga ito.

Ang istoryang ito nila Liang Zifu at Li Suying ay nagpapakita lamang na kahit ano pang uri ng bahay ang mayroon ka; basta’t kasama mo ang mga taong mahal mo ay hindi mahalaga kung kweba man ito o palasyo.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Mag-asawang namundok at nanirahan doon ng 60 years, may nakaka hangang kwento ng buhay appeared first on The Filipino Today.

No comments: