Isang babae na palaging binibigyan ng pagkain ang batang ito, ganito pala ang magiging balik sa kaniya
Ang pagtulong sa iba ay isang bagay na nagpapakita ng pagiging mabuti ng isang tao. Maliit man o malaki, ang pagtulong sa iba ay isang mabuting kagawian na maaring maibigay ng tao para sa kaniyang kapwa.
Si Kiko ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Kinakailangan niyang magbanat ng buto sa murang edad upang matulungan ang kaniyang ina sa pagtaguyod ng kanilang pamilya.
Nang minsan ay nangangalakal si Kiko, nakaramdam siya ng matinding gutom kaya’t napagpasiyahan niya na bumili ng tinapay sa isang bakery; ngunit nang makita niya ang baryang dala ay napagtanto ni Kiko na kahit sa isang pirasong tinapay ay hindi sasapat ang kaniyang pera.
Dahil dito, napagpasyahan ni Kiko na kumatok sa isang pinto upang manghingi ng pagkain. Ngunit nang lumabas ang magandang babae na nakatira roon ay kinabahan si Kiko kaya naman tubig lamang ang nahingi niya rito.
Nagulat ang babae at napansin na tila gutom na gutom at pagod na pagod si Kiko kaya’t binigyan niya ito ng gatas at tinapay. Nahihiya man ay tinanggap ito ni Kiko.
Nang matapos kumain ay tinanong ni Kiko ang babae kung magkano at paano niya mababayaran ang pagkain na ibinigay nito ngunit umiling lamang ito at sinabing wala siyang babayaran dahil tulong na ito ng babae sa kaniya.
Dahil doon, naantig ang puso ni Kiko kaya’t napagpasiyahan niya na mag-aaral siyang mabuti upang makatulong din sa kapwa.
Ilang taon pa ang lumipas, ang babaeng tumulong kay Kiko ay nagkaroon ng malubhang karamdaman. Walang doktor ang nakakaalam ng paraan upang mapagaling ito dahil hindi pa tukoy ang uri ng sakit na mayroon ang matanda. Dinala na ito sa mga espesyalista sa bayan at doon, isang doktor na nagngangalang Kiko ang humawak sa kalagayan ng matanda.
Nang malaman ni Kiko na kababayan niya iyon ay malakas ang kutob niya na ang matandang iyon ay ang babaeng tumulong sa kaniya noon. Nang makumpirma, ginawa ni Kiko ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapagaling ang matanda. At kahit pa sinasabi na ng hospital na kailangan nang alisin ang life support na nakakabit dito ay hindi tumigil si Kiko at nanghingi pa ng ilang palugit.
Tila nagkaroon naman ng himala nang isang araw ay gumising ang matanda mula sa pagiging comatose at tuloy-tuloy na gumaling sa loob lamang ng dalawang linggo. Nang paalis na ang matanda ay iniabot sa kaniya ng nurse ang bill ngunit nagulat siya nang makita na bayad na ito.
May note na nakalagay sa dulo at sinasabing nabayaran na ang kaniyang bill ng isang basong gatas at tinapay. At sa tabi, may nakasulat na ”Dr. Kiko”. Doon napagtanto ng matanda na ang batang simpleng tinulungan niya noon ay ang taong magliligtas ng kaniyang buhay.
Pinatunayan ni Kiko na ultimo maliit na pagtulong ay maaring magkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao kaya naman mahalaga ang lahat ng pagtulong na ating kayang ibigay sa ating kapwa.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Isang babae na palaging binibigyan ng pagkain ang batang ito, ganito pala ang magiging balik sa kaniya appeared first on The Filipino Today.
No comments: