Search This Blog

Empleyadong mayabang, natuto ng mahalagang leksyon matapos ipahiya ang kanilang bagong team mate

Si Jerry ay isang normal na bata lamang noon na nagsumikap upang makaahon sa hamon ng buhay.

Matindi ang pagsusunog ng kilay ni Jerry sa kaniyang pag-aaral. Kaya kahit mahirap ang buhay, iginapang ng kaniyang mga magulang ang kaniyang edukasyon.

Bilang ganti, ginawa ni Jerry ang lahat upang maayos siyang makapagtapos. At dahil sa kaniyang sipag, ilang linggo pa lamang nang siya ay gumraduate ng kolehiyo, amnakahanap na agad siya ng trabaho sa isang kumpanya.

Maliit lamang ang sahod noon ni Jerry, pero masaya siya dahil sa wakas ay masusuklian na niya ang kaniyang mga magulang. Masaya si Jerry dahil sa wakas ay kaya na niyang tumbasan ang mga paghihirap ng kaniyang mga magulang.

Masipag si Jerry sa trabaho at dahil doon ay unti-unting tumaas ang kaniyang posisyon sa kumpaniya. At sa kada promotion na kaniyang mararanasan, ay mas tumataas ang kaniyang posisyon at sweldo.

Miski tumataas ang sweldo at posisyon ni Jerry sa kumpanya, nanatili itong simple at mapagkumbaba. Masaya si Jerry sa kaniyang tagumpay na nararanasan dahil ang lahat ng ito ay inaalay niya para sa kaniyang pamilya.

At dahil nga sa kaniyang sipag at tiyaga, hindi kalaunan ay naging CEO na ng kumpanyang kaniyang pinapasukan si Jerry. Ngunit kahit siya na ang pinakamataas na tao sa kumpanya, mas pinili ni Jerry na umakto na parang normal na empleyado pa rin.

Isang araw, dahil off noon ni Jerry sa trabaho, masayang namasyal ito kasama ng kaniyang pamilya sa isang park. Doon ay may nakabangga siyang isang lalaki na nakasuot uniporme pang-opisina. Galit na galit ito kay Jerry dahil unang araw umano nito sa kaniyang trabaho at maaring si Jerry pa ang maging dahilan kung bakit siya late. Humingi ng tawad si Jerry sa lalaki ngunit pinahiya pa siya nito bago umalis.

Kinabukasan, maagang pumasok si Jerry sa trabaho at doon niya nakilala ang bagong empleyado nila, at sa hindi inaasahan, ang lalaking nakabunggo niya ang bagong manggagawa ng kanilang kumpanya.

Pinatawad ni Jerry ang lalaki sa kaniyang opisina kaya’t labis ang paghingi nito ng paumanhin sa kaniya, ngunit umiling lamang si Jerry at sinabing wala lang iyon sa kaniya. Bagkus, pinaalalahanan niya ito na maging mapagkumbaba lamang dahil iyon ang susi ng tagumpay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Empleyadong mayabang, natuto ng mahalagang leksyon matapos ipahiya ang kanilang bagong team mate appeared first on The Filipino Today.

No comments: