Search This Blog

Nainis siya sa kaibigan dahil sa mumurahing regalo nito sa kasal niya, ngunit napahiya noong malaman ang totoo

Isa na yata sa pinakamahalagang yugto ng buhay ng mga kababaihan ang kasal. Marami ang nagnanais at nangangarap na maging magarbo at maganda ang kasal nila sapagkat isang beses lamang ito mangyayari kaya’t dapat paghandaan.

Isa na rito si Joanne, kaya naman nang siya at maikasal kay James ay labis ang kaniyang saya nang maging magarbo ang kanilang handaan.

At dahil nga sa nais ni Joanne na maging magarbo ang kanilang pag-iisang dibdib, ay maging ang mga regalo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan na dumalo, ay nais ni Joanne na magarbo rin ito.

Subalit, nadismaya si Joanne sa nakitang regalo ng kaniyang malapit na kaibigan na si Macy. Isang halaman ito na nakalagay sa paso. Hindi ineexpect ni Joanne na ganun lamang ang ireregalo sa kaniya ng kaniyang kaibigan kaya naman labis ang inis nito. Ngunit, pinagsabihan siya ng asawa na tanggapin na lang ang regalo dahil kahit pa busy ang mga ito sa trabaho ay nagawa pa rin nilang dumalo sa kasal at iyon ang mas mahalaga.

Nawala sa isip ni Joanne pansamantala ang inis na nararamdaman sa kaibigan at inenjoy ang reception hanggang sa ito ay matapos. Ngunit nang buksan niya ang mga regalo ng ibang dumalo ay magagarbo ito, may alahas, pera o di kaya naman ay appliances na magagamit nila sa kanilang mag-asawa sa pagsisimula ng bagong tahanan. Lalong nainis si Joanne sa ideya na halaman lamang ang regalo sakaniya ni Macy ngunit hindi naman niya maitapon ito sapagkat magagalit ang kaniyang asawa.

Dumaan pa ang ilang araw ay napagpasyahan ng mga kaibigan ni Joanne na sila ay magkita, ngunit nang hanapin niya si Macy ay sinabing nasa ibang bansa ito at nagbabakasyon kasama ng mister nito. Hindi napigilan ni Joanne ang sarili at naikwento ang kaniyang inis sa mga kaibigan dahil sa regalo ni Macy.

Pagkauwi ng bahay ay nadatnan niya ang kaniyang ina sa sala kaya’t tinanong niya ito tungkol sa halaman na binigay ni Macy, sapagkat mahilig rin sa halaman ang kaniyang ina. Doon niya nalaman na ang halaman na iyon ay sumisimbolo ng swerte at pagmamahalan sa mag-asawa at ito ay napakamahal.

Dahil sa narinig, tinawagan agad ni Joanne si Macy at humingi ng patawad. Doon niya napagtanto na ang kasal ay hindi lamang tungkol sa mga regalo, kundi sa mahalagang taong kasama mo sa pagharap ng bagong yugto ng iyong buhay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Nainis siya sa kaibigan dahil sa mumurahing regalo nito sa kasal niya, ngunit napahiya noong malaman ang totoo appeared first on The Filipino Today.

No comments: