Search This Blog

Mga doktor, ginulat ang lahat ng gawin ang bagay na ito sa ospital

Hindi matatawaran ang pagka inosente ng isang bata na tampok sa kwentong ito. Ang kamusmosan ay hindi maipagkakaila ng pumunta ito sa hospital malapit sa kanilang tahanan.

“Andiyan na ang ambulansya, nurse!” sigaw ng head nurse.

Isang araw ng Oktubre ay sobrang gulo sa hospital na iyon, tila may piyesta o anumang pagdiriwang dahil sa sobrang dami at ingay ng tao ngunit ang rason ay hindi iyon dahil natural lamang na ganun ang makikita sa isang hospital. Nag-iiyakan, tulala, galit sa kausap sa telepono, at ang iba naman ay pabalik-balik na di alam kung ano ang gagawin.

“Anak ko!” nanlulumong sigaw ng isa.

“Doc, gawin niyo po lahat.” pakiusap naman ng isa.

Dahil sa maaksyon na senaryo sa araw na iyon ay pati ang mismong guard ay hindi na rin alam kung ano ang gagawin, Dahilan upang makapuslit ang isang bata sa loob ng hospital.

May mga nakapansin sa batang iyon ngunit marami pa rin ang mas piniling pabayaan na lang ang bata, inisip na baka nandiriyan lamang ang mga magulang nito. Patuloy lamang ito sa paglilibot habang bitbit ang isang sisiw na umiiyak-iyak.

Nang makakita ng isang nurse, hindi man tuluyang pamilyar kung ano man talaga ito ay biglang iniabot ng bata ang bitbit nitong sisiw. Sa kabila ng pagtataka ay kinuha pa rin ng nurse ang iniabot ng bata. Ilang minuto ang nakalipas ay naisip na nito kung ano ang gusto ng bata nang makita ang bakas ng luha sa pisngi at nang iabot nito ang bente pesos na hawak nito.

Dahil sa pagkatuwa at pagkamangha sa ipinakitang ugali’t pagmamahal sa hayop ay pinilit ng mga nurse na gamutin ang sisiw na nasagasan umano nito. Hindi man veterenarian o doctor para sa mga hayop ay ginawa pa rin nila kug ano ang tama. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na sila. Nang makita ng bata na nagamot na ang sisiw ay umaliwalas ang mukha nito at yumuko bilang pasasalamat.

Tila gamot pampawal ng pagod para sa mga urse ng batan sa araw na iyon. Ang makakita ng batang paslit n may mabuting loob at malasakit sa hayop ay walang katumbas.

Pagkatapos magpasalamat ng bata ay inihatidna ito ng isang nurse palabas at nakasalubong nila ang magulang nito.

The post Mga doktor, ginulat ang lahat ng gawin ang bagay na ito sa ospital appeared first on The Filipino Today.

No comments: