Search This Blog

Isang lalaki, ginulat ang lahat matapos tamaan ng kidlat at mangyari ang bagay na ito sa kanya

Sa buhay, hindi natin sigurado ang ating kaligtasan sa bawat oras. Ang pagiingat ay isa sa mga maituturing na ‘reflex’ ng ating instinct sa mga bagay. Hindi man natin ito napapansin ay tila ba nakadisenyo ang ating katawan upang protektahan ang ating sarili.

Ang 37-anyos na si Henry Cheramie ay maswerteng nadaya ang kaniyang kamatayan, isang gabi habang siya ay nagmamaneho sa gitna ng isang madilim at maulang daanan.

Habang nagmamaneho ang guro na si Henry Cheramie pauwi sa kaniyang bahay sa Montgomery, Alabama, si Henry ay tahimik na nagmamaneho sa ilalim ng malakas na ulan nang mapansin niya ang mga kidlat sa di kalayuan.

Tumayo si Henry upang silipin ang kidlat at sa kaniyang pagkabigla ay bumagsak sa kaniyang kotse ang mga punong-kahoy na tila nahati ng kidlat. Kung nanatili si Henry na nakaupo ng mga oras na iyon ay tiyak na maiipit siya at mamamatay sa pagbagsak ng mga puno.

“Noong napansin ko na parang nahati ‘yung puno ng kidlat ay sumilip lang ako upang siguraduhin kung tama ba ang nakita ko. At ang susunod nalang na nangyari ay nasa gitna na ako ng dalawang punong-kahoy na nahati mismo sa harapan ko.” pahayag ni Henry.

Ngunit hindi pa dito nagtatapos, ayon pa sa pahayag ni Henry, tinamaan din ng kidlat ang mga kable ng kuryente sa lugar, na nagmitsa ng apoy. Doon nagsimula tumawag ng saklolo at tulong ang binata sa takot na maaring magdulot ito ng kaniyang kamatayan.

Sa kabutihang palad ay may mga manggagawang nasa paligid lamang ng nasabing pinangyarihan ng aksidente kaya’t natulungan agad si Henry. Agad ding rumesponde ang mga bumbero upang apulahin agad ang sunog.

Sabi ng pilosopiya, ang ating sarili ang pinakamahalaga at ang pinakamataas na uri ng bertud ay ang Prinsipyo ng Autonomiya. Ang ating pag-iingat sa ating mga katawan at sarili ay ang pinakamahalagang responsibilidad natin sa araw-araw at ito ay dapat lamang na ginagawa ng lahat ng tao.

The post Isang lalaki, ginulat ang lahat matapos tamaan ng kidlat at mangyari ang bagay na ito sa kanya appeared first on The Filipino Today.

No comments: