Search This Blog

Isang dalaga, halos hindi makapaniwala matapos malaman ang bagay na ito sa taong pinakasalan niya

Ang pagsisikap sa buhay ay nagsisimula sa ating mga sarili at hindi sa paghihintay ng mga tulong mula sa ibang tao.

Kung ang ibang kababaihan ay nagaasawa at nagpapakasal upang makaahon sa kahirapan, si Janine ay nagsusumikap upang makaahon sa kahirapan.

Si Janine ay masikap na nagtrabaho bilang isang factory worker. Dinoble ni Janine ang kaniyang pagsisipag nang siya ay makaipon nang mas mabilis at nang maiahon niya ang kaniyang pamilya sa kahirapan.

At sa pagtatrabaho niya bilang isang factory worker, doon niya nakilala si Mark, isa ring manggagawa sa nasabing factory. Naging magkaibigan sina Janine at Mark, naging malapit sila sa isa’t-isa at nang di maglaon ay nagkamabutihan at naging magkasintahan.

Humanga si Mark sa pagiging masipag ni Janine kaya siya nahulog para sa dalaga. Dumagdag pa ang pagiging mabuting anak, kaibigan at katrabaho nito, kaya’t napagpasiyahan ni Mark na ayain ni Janine upang magpakasal. Mahal niya ang dalaga at para kay Mark, wala nang ibang babae ang makakapantay sa kabutihan, kagandahan at kasipagang taglay nito.

Pumayag si Janine sa alok ni Mark na pagpapakasal sa binata. Naging simple lang ang kanilang seremonyas dahil iyon ang gusto ni Janine. Para kasi sakaniya, hindi naman mahalaga ang magarbong handaan, basta masaya siya at sa kaniyang minamahal siya ikakasal, kahit pa simple lamang ang seremonyas ay kuntento na siya roon.

Dahil sa pinakitang pagiging simple ni Janine, mas lalong humanga sa kaniya si Mark. Kaya naman nang magkaroon ito ng pagkakataon ay ipinagtapat niya kay Janine ang isang bagay na matagal na niyang tinatago. Si Mark pala ay isang mayaman na binatang nagmamay-ari ng iba’t-ibang mga negosyo. At taliwas sa pagkakakilala ni Janine rito, hindi lamang isang trabahador si Mark sa factory na kaniyang pinagtatrabahuan, kundi ang nagmamay-ari nito.

“Sorry at nilihim ko lahat ng ito sa’yo, Janine. Natatakot kasi ako sa posibilidad na mahalin lamang ako ng isang tao dahil sa yaman ko. Ngunit iba ka, Janine. Simple, mapagmahal at masipag kang tao kaya napamahal ako sayo. Pero huli na nang aamin ako sapagkat natatakot ako na baka kamuhian mo ako,” paliwanag nito sa asawa.

Akala ni Mark ay magagalit si Janine ngunit ngumiti lamang ito at hinawakan ang kaniyang kamay. Sinabi ni Janine sa asawa na naiintindihan niya ito at hindi siya naaapektuhan sapagkat puro at totoo ang pagmamahal niya sa binata, mayaman man ito o hindi. Malaki ang pasasalamat ni Mark dahil nakahanap siya ng isang taong napakabuti, napakamapagmahal at napakamaintindihin.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Isang dalaga, halos hindi makapaniwala matapos malaman ang bagay na ito sa taong pinakasalan niya appeared first on The Filipino Today.

No comments: