Isang babaeng nagyeyelo, sinubukang magpahulog sa taas na 30000 feet pero hindi inasahan ng lahat ang nangyari sa kanya
Ang paragliding ay isa sa pinakakilalang sports sa buong mundo. Kinawiwilihan ito sapagkat ang nasabing sport ay nagaganap sa himpapawid, ngunit sa kabila ng kahanga-hangang sport na ito ay isang maling galaw ng mga paragliders ay maaring mapunta sa peligro ang kanilang buhay.
Marami ring mga patimpalak patungkol sa paragliding ang inoorganisa at isa sa mga kilalang manlalaro sa sport na ito ay si Ewa Wiśnierska.
Kilala si Ewa sa kaniyang galing sa paragliding ngunit mas naging tanyag at kilala sya sa buong mundo dahil sa hindi maipaliwanag na nangyari sakaniya, anim na araw bago ang kaniyang sasalihang patimpalak sa larangan ng paragliding.
Anim na araw bago ang nasabing patimpalak, pumunta si Ewa sa South Wales, Australia upang makilahok sa mga nagpaparagliding doon. Para sa kaniya ay bahagi na rin ito ng kaniyang pageensayo para sa parating na laban.
Nang maglalayag na sila Ewa at ang kaniyang mga kasama ay binalaan siya ng mga staff sa lugar na mag-ingat dahil delikado para sa mga paragliders ang lugar na iyon tuwing Pebrero.
Noong una ay maayos naman ang kanilang paglalayag sa himpapawid. Ngunit nang maglaon ay nakakita si Ewa at ang kaniyang mga kasama ng dalawang thunderclouds. Isang maliit at isang malaki. Dahil sa panganib na nakaamba ay may minabuti ni Ewa na dumiretso sa maliitna thundercloud dahil ang mga propesyunal na paragliders katulad niya ay sanay na sa ganitong mga pangyayari.
Nang makapasok sa maliit na thunderclouds ay ligtas na nakababa ang kaniyang mga kasama ngunit nang si Ewa na ang maglalanding ay bigla namang kinain ng mas malaking thundercloud ang kaniyang paraglider.
Matindi ang ikot ng hangin sa loob at patuloy ang pag-angat ni Ewa sa himpapawid na umabot sa 30,000 palapag na halos kasing taas na ng Mt. Everest.
Habang paakyat ay nawalan ng malay si Ewa dahil sa kawalan ng hininga at nagyeyelo na rin ang kaniyang buong katawan. Ngunit nang humina ang thundercloud ay nagising ito at nang maramdaman niyang sya ay bumubulusok nang pababa, pinilit ni Ewa na ayusin ang kaniyang paraglider upang mapigilan ang pagbagsak sa lupa.
Nang magising si Ewa ay nasa hospital na siya. May tracker si Ewa kaya naman napatunayan na inabot nga siya ng 30,000 na palapag. Ngunit, himalang kahit ano mang kumplikasyon, maliban sa mga sugat at pasa ay walang natamo si Ewa. At matapos rin ng anim na araw ay nakilahok parin ang nasabing dalaga sa patimpalak ng mga paragliders.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Isang babaeng nagyeyelo, sinubukang magpahulog sa taas na 30000 feet pero hindi inasahan ng lahat ang nangyari sa kanya appeared first on The Filipino Today.
No comments: