Search This Blog

Imbis na ikulong, isang pulis, tinulungan pang makatakas ang magnanakaw matapos malaman ang bagay na ito

Ang mga kapulisan ay ang mga nangungunang tagapag-patupad ng kaayusan at ng mga batas sa ating lipunan. Madalas rin silang naiuugnay sa mga usaping pagpatay at karahasan kaya naman marami ang nawawalan ng tiwala sa mga kapulisan.

Ngunit, para kay Justine, isang pulis sa London, higit sa lahat ng mga katungkulan ng pulis ay ang pagkakaroon ng koneksiyon sa kaniyang nasasakupan. Para kay Justine, ang pagiging makatao ng mga pulis ay mahalaga upang mas magkaroon ng pantay at magandang pagsasamahan sa lipunan.

Kaya naman isang araw, may natanggap na tawag si Justine tungkol sa nangyaring nakawan sa isang grocery store. Dahil malapit lamang siya sa lugar ay siya na ang rumesponde sa pangyayaring ito.

Pagdating ay pinanood ni Justine and CCTV footage ng nasabing grocery kaya’t hindi na nakatanggi pa ang magnanakaw. Ngunit, napailing si Justine sa sinabi nito.

“Sir patawad po. Nagawa ko lang naman po iyon dahil wala akong trabaho at mag-isa ko lang tinataguyod ang anim na buwan kong anak. Ayoko po siyang mamatay sa gutom sir..” Pakiusap ng salarin. Naiiling na kumuha ng mga gatas at pagkain si Justine at binayaran ito sa counter.

Ibinigay niya ito sa magnanakaw upang may maibigay sa pamilya. Tinanong niya rin kung magsasampa pa ba ng kaso ang grocery store ngunit tumanggi ito at sinabing naiintindihan naman nila ang sitwasyon ng isang ama na desperadong itaguyod ang kaniyang anak.

Nagpasalamat ang magnanakaw kay Justine nang ihatid niya ito pauwi sa kanilang tahanan. Ngumiti si Justine at hinawakan ang kamay ng magnanakaw.

“Ama rin ako at alam ko ang pakiramdam ng isang ama na handang gawin ang lahat para sa kaniyang minamahal na anak at pamilya.” sagot ni Justine. Hindi makapaniwala ang magnanakaw dahil sa kabutihang loob ni Justine.

Pinatunayan ni Justine na higit sa batas, ang mas mahalaga sa tungkulin nila bilang pulis ay ang damdamin ng mamamayang kanilang pinoprotektahan.

The post Imbis na ikulong, isang pulis, tinulungan pang makatakas ang magnanakaw matapos malaman ang bagay na ito appeared first on The Filipino Today.

No comments: