Bilyonaryo, pinagtrabaho ang sariling anak matapos niyang ipamigay ang kanilang sasakyan at lupa sa mga trabahador
Simula pagkabata ay natuto na si Estacqio kung paano hawakan at palaguin ang pera. Nagmula sa mga negosyante at disiplinadong pamilya.
Sa edad na 23, siya ay nagmamay-ari na ng dalawang fast food business at sa bawat paglipas ng taon ay lalong lumalago ang kanyang negosyo. Ngayong matanda na, ang yaman na mayroon siya noong binata ay mas dumoble pa dahil ang mga aral na natutunan sa pamilya ay kanyang isinabuhay.
“Pa, can I buy the latest iPhone?” tanong ng kanyang anak habang may ka zoom meet sa Ipad nito.

“Hindi mo pa ipinapakita ang grades mo..” sagot nito habang nakatitig sa anak.
Tinalikuran siya ng kanyang anak ng marinig ang sinabi nito. Kung ipagkukumpara ang dalawa ay sobrang layo ng ugali nila sa isa’t-isa. Ang buhay ng anak ni Estacqio ay masasabing maswerte dahil hindi nito naranasan na paghirapan ang lahat ng bagay. Sa ika labing limang kaarawan nito ay nakatanggap na ito ng house and lot mula sa ina bilang regalo.
Magkasundong-magkasundo ang kanyang mag-ina. Dahil sa pagiging masinop at mahigpit sa pera ni Estacqio, siya na mismo ang nag-abala na tignan ang grado ng anak sa eskwelahan. Laking gulat nito ng makita ang grado, walang palakol ngunit hindi tataas sa 85 ang mga ito.

Sa pagka dismaya ay naisip nito na tanggalin ang lahat ng may kinalaman sa luho ng anak bilang parusa. Pagkauwi na pagkauwi ay hinanap nito ang anak at natagpuang nakaupo sa harap ng kompyuter. Habang hinihintay ang anak na matapos sa ginagawa nito ay naisipan nitong bisitahin ang niregalo ng kanyang asawa dito.
“Jake!” galit na galit nitong sigaw sa anak.
Dali-dali itong lumapit sa anak. Ang galit at iritasyon ay mababakas sa mukha ni Estacqio. Sa kabila, tanging pagtataka lamang ang ekspresyon ng anak.
“BAKIT HINDI SA IYO NAKAPANGALAN ANG PROPERTY SA CEBU NA IBINIGAY NG IYONG INA!?” nanggigigil nitong tanong.

“Ibinigay ko sa babaeng nakilala ko sa Omegle dad, nakakaawa eh” mahinahon nitong sagot.
Lalong nagalit si Estacqio na para bang napakadali para sa anak na kitain ang perang pambili ng mga ganung bagay. Sa sobrang pagkadismaya ay pinag empake nito ang anak at dinala sa probinsya. Ang dapat na parusang ilang linggo lamang ay maaring maging panghabang buhay na tanggalin ng ama ang lahat ng meron ang anak at pagsimulain mag-isa kasama ang lolo’t lola. Tanging ang Iphone X at laptop lamang nito ang kanyang iniwan upang magamit sa eskwela at pagsisimula.
Ang supply ng groceries ay hindi kinakalimutan ni Estacqio ngunit ang kaniyang anak na ang nagsisiskap upang makuha nito ang gusto. Mabigat man sa loob ay sumang-ayon na rin ang asawa niya para na rin talaga matuto at mamulat sa realidad ang kanilang anak na dalampung taon na.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Bilyonaryo, pinagtrabaho ang sariling anak matapos niyang ipamigay ang kanilang sasakyan at lupa sa mga trabahador appeared first on The Filipino Today.

No comments: