Search This Blog

Mayabang na ina na ipinagtabuyan ang kalaro ng anak, nanglumo noong malaman kung sino talaga ang kalaro nito!

“Jessica! ‘di ba sinabi ko sa ‘yong huwag ka makipaglaro kung kani-kanino? Tignan mo andungis niyan oh? Kadiri!’ sigaw ng nanay ng batang babae na naglalaro sa parke.

Si Marites ay lingguhan lamang kung umuwi dahil sa trabaho nito bilang isang katulong sa isang sikat na subdivision. Paglabas at pamamasyal sa parke ang tanging bonding nilang mag-ina tuwing uuwi siya, ang kanyang anak na si Jessica ay naiiwan sa lola nito.

Habang binibisita ni Marites ang kanyang cellphone ay masayang naglalaro si Jessica. Ilang minuto ang makalipas ay sinilip nito ang anak at laking gulat nang makitang ang anak ay may kalarong batang sira-sira ang damit at uling-uling. kumaripas ito ng takbo at agad pinagsabihan ang anak.

Natulala ang batang lalaki sa inasal ni Marites. Sa kabilala ng pagkatulala ay tila hindi ito na apektuhan sa mga sinabi ng ina ni Jessica. Tinalikuran lang nito ang mag-ina at sabay tumakbo.

“Mabait naman iyon inay, hindi siya marumi” pagpapaliwanag ni Jessica habang hawak-hawak ng kanyang ina ang magkabilang balikat.

Hindi pinakinggan ni Marites ang sinabi ng anak. Nagpatuloy si Jessica sa paglalaro at naupo naman si Marites sa ‘di kalayuan. Matapos ang halos dalawammpung minuto ay nilapitan na ni marites ang anak upang umuwi. Habang palapit nang palapit sa anak ay biglang sumulyap ang amo nito, binati niya at kinumusta.

“Marites kumusta?” tanong ng amo nito.

Sa pagkatuwa ng makita ang amo ay hindi niya napansin ang kasama nito, ang batang kalaro ni Jessica na kanyang sinigawan at nilait-lait. Minuto pa ang nagdaan bago niya naproseso kung sino ang batang hawak ng kanyang amo.

“Marites, si George nga pala ang bunso kong anak. Sa lola niya sa probinsya tumira dahil sa kagustuhan ng ina ko na makapiling siya. Napakakulit na bata, sabi kong maglinis muna bago kami umalis sa workshop kaya tignan mo mukhang basurero.” natatawang sabi ng amo nito.

Ang mapagmataas na si Marites ay halos hindi maipinta ang kaba dahil sa nalaman.

isang linggo ang nakalipas

“Jessica anak, diyan ka muna kay lola ha, maghahanap lang ng trabaho si mama” bilin ni Marites sa anak at tuluyang umalis sa kanilang tahanan upang maghanap ng bagong trabaho. Siya ay tinanggal ng kanyang amo sa kadahilanang nagsumbong ang anak nitong si George na ang babaeng si Marites ay pinagsalitaan siya ng masama at isang mapanghusga.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Mayabang na ina na ipinagtabuyan ang kalaro ng anak, nanglumo noong malaman kung sino talaga ang kalaro nito! appeared first on The Filipino Today.

No comments: