Kilalanin ang dalawang natatanging batang naka survive sa paglubog ng barkong Titanic
Minulat ng tatlong-taong gulang na bata ang kaniyang mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa kaniyang mukha. Pinagmasdan niya ang paligid kung saan siya ay kasalukuyang nasa umuugang bangka. Doon niya napagtanto ang mga kaganapan noong mga nakalipas na oras.
Ang naalala niya lang ay nang bigla siyang inilagay ng kaniyang ama sa sako, bitbit ng ibang tao. “Parang hindi tamang isako kami?” Tanging naisip na lamang niya— isang pagiisip na normal para sa mga tatlong-taong gulang na bata matapos maranasan ang paglubog ng Titanic.

Walang kahit sinong miyembro ng pamilya ang naghihintay sa mga bata nang makarating ang mga ito ng New York kaya naman nagpresinta ang babaeng nagngangalang Margaret Hays upang pansamantalang alagaan ang mga ito. Inilimbag sa mga pahayagan ang larawan at kwento ng mga bata, sa pag-asa na makaabot ito sa kanilang mga mahal sa buhay na nakaligtas sa paglubog ng Titanic.
Ang taga-Iowa na si Frank Lefebvre ay lumipad pa sa New York para lamang kumpirmahin kung anak niya ba ang mga bata na nasa balita ngunit pagdating niya rito ay ang balita lamang ng pagkamatay ng kaniyang asawa at dalawang anak ang sumalubong sakaniya. Sa wakas ay nakaabot sa isang inang nagngangalang Marcelle Caretto ang balita tungkol sa dalawang batang tinaguriang “Ulila ng Titanic”, at noong Mayo 16, 1912 ay masayang nayakap ni Marcelle ang kaniyang dalawang anak na nawala di umano dahil sa kidnapping. Ang dalawang batang nagngangalang Michael Jr. at Edmond Navratil ay kinidnap di umano ng kanilang ama bilang paghihiganti sa dati nitong asawa.

Nang makasama niya ang mga bata ay agad itong bumili ito ng second class na ticket sa barkong Titanic, na nakarehistro sa pekeng pangalan na Southampton, upang itakas ang mga bata papuntang Monte Carlo at England. Hindi malinaw ang mga pangalang ginamit sa dalawang bata ngunit lahat sila ay gumamit ng apelyidong Hoffman.
Hindi alam ni Michael Jr. ang plano ng kaniyang ama. Ang tanging naaalala niya lamang ay ang kanilang kinain na itlog sa agahan at ang ganda ng karagatan. Ngunit nang sumapit ang gabi ay nawalang parang bula ang ganda at gara na nakapalibot sa barko. Nagising siya sa mahinang pagyugyog ng kaniyang ama at hanggang sa kasalukuyan ay naalala niya ang mga ekspresyon ng kanilang mukha kung saan ay tila alam na nila ang kanilang kahahantungan. Nang maingat na sinigurado ni Michael Sr. ang kaligtasan ng kaniyang mga anak ay hinalikan niya ang noo ng mga ito at ibinilin na sabihin sa kanilang ina na mahal niya ito at hindi siya tumigil na mahalin ito.

‘Yun lamang at tuluyan nang nawala ang ala-ala ng magkapatid sa mga pangyayari noong gabing iyon.
Ang kwento nila Michael Jr at Edmond Nevratil ay isa lamang sa libu-libong mya kwento ng paglubog ng Titanic. Isa lamang ito sa mga malungkot na karanasan ng mga taong nakaligtas at mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions
The post Kilalanin ang dalawang natatanging batang naka survive sa paglubog ng barkong Titanic appeared first on The Filipino Today.

No comments: