Isang milyonaryo, nagpanggap na pulubi upang mahanap ang taong karapat-dapat niyang pakasalan
Isang gabi, sa sobrang pagkaburyo ay naisipan ni Justin na maghanap ng kanyang magiging karelasyon. Ang 26 anyos na binata ay isang may-ari ng kilalang milktea shop at nagtatrabaho bilang accountant sa isang company sa Manila. Sa kanyang edad ay masasabing isa na siyang asensado sa buhay. Sa kabila ng maayos na katayuan, ang binata ay hindi pa nakararanas makipagrelasyon dahil pag-abot sa kanyang pangarap ang kanyang pinagtuunan ng pansin noon.
“Maayos naman na ang kalagayan ko. Kaya ko nang buhayin ang sarili ko, may mga business ako. Bakit kaya hindi ko subukan?’ wika nito sa sarili habang nakahiga at nanonood ng isang series sa netflix.
“Alam ko na!” masigla nitong dugtong na sambit sa isipan ng makaisip ng ideya kung paano niya sisimulan ang binabalak.

Kinaumagahan ay nagdownload ang binata ng dating apps sa playstore. Pagkatapos nitong iset ang kanyang profile sa app na kanyang naidownload ay naisipan nitong magpanggap na mula lamang siya sa isang simpleng pamilya. Ang binatang hindi sanay na mag commute ay pinilit matuto bilang parte ng kanyang plano.
Ilang araw ang makalipas ay may nakilala itong dalaga na halos kaedaran lamang rin niya na nagngangalang Amanda. Ang dalagang kanyang nakilala ay nagtatrabaho sa isang BPO company. Naging maayos ang kanilang pag-uusap sa dating app na iyon at napagpasyahang magkita sa araw ng linggo kung saan ay pareho nilang day off. Sa planong pagkikita ay nakaisip na naman si Justin ng gagawin upang masubok kung maayos nga ba talagang makitungo si Amanda.

Dumating ang araw ng linggo at ang kanilang meeting place ay sea side sa MOA. Nagkita at nagkakilala na ang dalawa, simple at pareho silang masaya nang makita ang isa’t-isa. Pagkasapit ng hapon ay niyaya na ni Justin ang dalaga na kumain muna. Pumasok ang dalawa sa isang mamahaling restaurant.
“Anong gusto mong kainin?” tanong nito kay Amanda.
“Kahit ano okay lang sakin..” mahinhin nitong sagot kay Justnin.
Masayang kumain ang dalawa, nagkakilala lalo sila habang kumakain. Nang dumating ang bill ay sa aktong pagbabayad ni Justin ay nagpanggap itong nawawalan ng wallet. Habang nagpapanggap na naghahanap ay ikinagulat nito ang ginawa ni Amanda.

Ang dalaga ay ngumiti at nihihiyang pinatigil si Justin sa ginagawa at binayaran ang bill. Lumabas ang dalawa at maayos pa rin ang pakikitungo nito sa binata na parang walang nangyari.
Oras na para umuwi ang dalawa. Matapos ang unang pagkikita ay patuloy pa rin ang pag-uusap ng dalawa at nasundan pa ang kanilang paglabas.
Kalaunan ay nagpakilala na si Justin sa kung ano ang tunay na siya at ipinaliwanag sa dalaga ang dahilan. Naintindihan ito ni Amanda. Pakatapos malaman ang katotohanan ay walang nagbago sa ikinilos ng dalaga, nanatili siya sa kung paano siya nakilala ni Justin at doon napagtanto ng binata na tila si Amanda na ang maaaring babae na para sa kanya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang milyonaryo, nagpanggap na pulubi upang mahanap ang taong karapat-dapat niyang pakasalan appeared first on The Filipino Today.

No comments: