Isang matandang lalaki, walang kaalam-alam na ipinanggatong ang batong puno pala ng ginto para sa kaniyang iluluto
Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng sarili nating swerte na magbibigay solusyon sa ating mga problema.
Para sa karamihan na nasa laylayan ng lipunan, ang manalo ng lotto, o hindi kaya ng milyung-milyon sa isang patimpalak ay isang suntok sa buwang pagkakataon, ngunit isang bagay na tiyak hindi nila palalampasin.
Ngunit isang nakaka lugmok na storya ang aming ibabahagi sa inyo ngayon, kung saan ang matandang binatang si Dado ay nagkaroon ng pagkakataong umahon sa lusak, ngunit napurnada dahil sa isang pagkakamali.

Matagal nang nagtatrabaho bilang isang construction worker si Dado, at madalas na niyang gawin ang mag uwi ng kung anu-anong nahukay niya sa construction site upang maidagdag na sa kaniyang gamit sa bahay
Bukod pa roon ay sinisigurado niya ring makakuha ng iilang mga kahoy sa site upang maka libre siya ng pang gatong na gagamitin niya sa kaniyang pagluluto pag uwi.
Isang araw, pagtapos ng kaniyang shift ay nagsimula nang maghalungkat si Dado ng kaniyang mga ipapang gatong sa bahay.

Ngunit imbis na sa tipikal na tambakan siya kumuha ay sinubukan naman niyang maghanap sa panibagong imbak ng mga basura ng kanilang site.
Doon ay nakakuha siya ng isang balde ng uling, na lubos namang ikinatuwa ng ginoo.
Dahil hindi na siya mahihirapan pa dahil nga mas madaling gamitin ang uling bilang pang gatong.

Kung kaya naman dali-dali na niya itoong ginamit pag uwi, ngunit laking pagtataka ng lalaki ng tila imbis magpa apoy ay natutunaw lamang ang uling sa apoy.
Maya’t maya ay tiningnan niya ang kaniyang pang gatong at laking gulat niya na isa na itong makinang na ginto!
Ngunit huli na ang lahat para sa lalaki dahil bukod sa tunaw na ito ay nagkalat na rin siya sa sahig at mismong gatungan, kung kaya naman tahimik na lamang siyang nang lumo at nagsisi sa kaniyang pagkakamali.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang matandang lalaki, walang kaalam-alam na ipinanggatong ang batong puno pala ng ginto para sa kaniyang iluluto appeared first on The Filipino Today.

No comments: