Isang lalaki, nakapagpatayo ng bahay dahil lamang sa isang kahon na ito
“Kailan ba matatapos ang pandemyang ito!” sigaw ni Armando sa kawalan.
Simula ng lumaganap ang pandemya ay isa siya sa naapektuhan. Ang dating suma sideline sa construction ay ngayong nakatunganga na lang sa kanilang barung-barong sa Tondo. Ilang buwan na siyang nag-hahanap ng mapapasukan ngunit kahit anuong pagsusumikap sa paghahanap ay wala pa rin nangyayari. walang nais na tumanggap sa kanya.
“Kung nakapagtapos lang ako ng pag-aaral hiindi gantog kahirap ang buhay na daranasin ko ngayon. Para akong daga!” sambit nito habang mahigpit ang pagkaka sabunto sa buhok.

Sa kabila ng pagkadismaya dahil sa mga nangyayari sa kanya, hindi ito natinag, mas lalong nag-alab ang hangarin nitong makahanap ng trabaho. Isang umaga ay napagpasyahang muli nito na maghanap ng mapapasukan, Barbero, service crew at miski grab food driver ay sinubukan nitong applyan ngunit hindi pa rin siya natatanggap, tila ba napakasama talaga ng kapalaran sa kanya.
Kinagabihan bago makauwi sa kanilang tahanan ay madaraanan muna ang bahay ng mga taong medyo nakakaangat sa buhay. Sa pag-uusisa ay npansin nito ang mga basurang nasa tapat ng mga bahay. Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan, nais niyang maging taga hakot ng basura at sa pagiging tagahakot ay maari siyang kumita kapag siya ay binayaran ng bawat may-ari ng bahay.

Pagkarating sa kanilang tahanan ay inihanda niya ang kariton na gagamitin.
“Okay na ‘to kaysa wala” usal nito sa isipan habang patuloy na nag-ayos ng gagamitin kinabukasan.
Alas siyete ng umaga ay nagsimula na siyang mag ikot-ikot, sa unang bahay ay puro bote ang kanyang nakuha at inabutan pa siya ng 50 pesos. Ang kanyang panglawang destinasyon ay ang malaking bahay na puro kahon ang itinapon, nagkataong inabot sa kanya ang kahon ng sapatos

“Pakisama pala ito iho, ayaw na isuot ng anak ko eh” sabi ng babae na may ngiti sa labi. Itinabi niya ito sa kadahilang naisip nito na baka may diperensya lamang ang bagay na iyon at maaari pa niya talagang magamit.
.
Pagkatapos mangolekta ng basura at kalakal at diniretso niya ito sa kanilang tahanan at binisita. Una nitong kinuha ang bumbilya na pinaghihinalaang ayos pa ngunit pagkabukas sa kahon ay laking gulat nito dahil hindi sapatos ang laman kundi bugkos ng tig-iisang libo. Agad itong pumasok sa kanilang tahanan at agad na ibinalita ang kanyang nakuha.
Kinaumagahan ay biglang nawala ang kanilang pamilya, nabalitaan na lang ng kanilang mga kapit-bahay na nakabili ito ng sarilig bahay sa ‘di kalayuang baranggay. Ang dating nakatira sa barung-barong ay ngayong nakatira na sa magandang tahanan at may sariling negosyo.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang lalaki, nakapagpatayo ng bahay dahil lamang sa isang kahon na ito appeared first on The Filipino Today.

No comments: