Search This Blog

Sinasaktan Ang Babaeng Ito Ng Kaniyang Mga Kapitbahay Dahil Umano’y Isa Siyang Aswang. Labis Nilang Ikinagulat Ng Malaman Ang Katotohanan!

Sikat si Kara sa kanilang lugar.

At kung inaakala niyong dahil ito sa kaniyang ganda, o kakaibang kakayahan o hindi kaya yaman ay nagkakamali kayo.

Dahil si Kara lamang ang dalagang pinag hihinalaang aswang ng kaniyang mga kapit bahay dahil sa kaniyang mga hindi pang karaniwang karanasan at katangian.

Lubos na tahimik si Kara at ang iisa na lamang na naninirahan simula noong mamatay ang kaniyang ina, si Corazon, na usap-usapang mang babarang sa kanilang bayan.

Simula noong lumaki ang dalaga ay naging tampulan na siya ng tukso, pangungutya at pananakit ng ibang tao dahil sa kaniyang misterysong katauhan.

At sa hindi maipaliwanag na rason ay ni minsa’y hindi lumaban pabalik ang dalaga.

Ngunit mas lalo lamang itong nagbibigay ng rason upang walang hiyain siya, at noong nakaraan pa nga ay muntik pang sunugin ang bahay niya!

Gusto siyang umalis ng kaniyang mga kababayan sa kanilang lugar, at kung tutuusin ay gayon din ang gusto ni Kara.

Ngunit hindi niya lang itong maiwan dahil sa kaisa-isang bilin sa kaniya ng kaniyang lolo, at iyon ay alagaan ang lupang sakahan nila.

Hindi siya aswang, at kahit siya mismo ay takot din sa mga ganoong bagay, lalo’t nag iisa lamang siyang namumuhay.

Ngunit dahil nanggaling sa pamilya ng mga mang tatawas si Kara ay hindi niya natakasan ang kaniyang kapalaran.

Isang gabi, tahimik na nagpapahinga ang dalaga ng biglang inulan ng mga bato ang kaniyang bahay.

Nasira ng bahagya ang bubong at natamaan pa siya sa noo!

Agad naman siyang lumabas, duguan, at takot na takot ang mga tao sa itsura ni Kara!

Malaki ang sugat niya sa ulo at patuloy ang pag agos ng dugo nito, nais niya mang manghingi ng tulong ay agad na nagsitakbuhan ang mga bumato sa kaniya.

At doon nawalan ng malay ang dalaga, hanggang unti-unti ay naubusan na siya ng dugo at binawian ng buhay.

Agad na pinahuli ng kapitan ang mga salarim sa pagkamatay ng dalaga, at pinagsisihan ng buong bayan ang kanilang ginawa kay Kara.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Sinasaktan Ang Babaeng Ito Ng Kaniyang Mga Kapitbahay Dahil Umano’y Isa Siyang Aswang. Labis Nilang Ikinagulat Ng Malaman Ang Katotohanan! appeared first on The Filipino Today.

No comments: